Pagkagising ko sa umaga ay agad na namang nalukot ang aking mukha lalo na ngayong nasisilayan ko na naman ang mukha ni Van. Gising na rin kasi siya at nakatitig sa akin na para bang hinihintay akong magising. “Good morning, Queen,” bati niya sa akin pero inirapan ko lamang siya at mas piniling ibaling na lang ang aking mga mata sa mesa na nasa gilid lamang ng aming kama. Ramdam ko rin ang lamig ng aircon dito sa aming kuwarto dahil bahagyang lumitaw ang aking mga paa sa kumot. Hindi kasi namin pinapatay ang mga air conditioner dito dahil hindi pa naman winter dito sa New Zealand. Medyo malamig, oo pero hindi sapat iyon para palamigin ang condo namin kaya isinasara na lang namin ang mga bintana at gumamit na lang ng aircon para kahit papaano ay hindi ito masira. Nasisira kasi ang air con

