Napag-isipan naming magkaroon ng picnic ni Van pero ang ipinagtataka ko lang, ay kung bakit kami dumiretso sa isang resort? Ang usapan lang naman kasi namin ay picnic dahil gusto ko sanang magkaroon kami ng date ngayon ni Van habang pinapanood ang sunset dahil baka saglit na lamang kami rito sa New Zealand. Hindi pa naman siguradong uuwi na kami sa Pinas pero gusto kong pag-usapan namin ni Van dahil nandoon kasi sa Pinas ang main office ng mga trabaho niya. Alam ko ring nahihirapan din kasi siyang magtrabaho ngayon kapag malayo siya sa kaniyang main office. Doon kasi ay kompleto lahat ng kakailanganin niya, simula sa mga documents, business partners at kung ano-ano pa. Dito kasi, napapansin kong nahihirapan siyang makipag-usap sa mga employee niya especially kapag may mga tatanungin siya

