Ang isang gabi lang sana na pamamalagi namin dito sa Resort ay umabot ng limang araw. Nagustuhan kasi namin ang place na ito dahil sa ganda ng room, services nila, masarap ang mga pagkain, maganda ang tanawin, maganda ang swimming pool at maganda rin ang beach area. Wala akong masasabing masama sa Resort na ito dahil masyado nilang ginalingan ang lahat. Ultimo staffs nila ay sobrang mababait at deserve nilang magtrabaho sa ganitong Resort. Ngayon ang huling gabi namin dito sa Resort kaya naman sinusulit na namin ang pamamalagi rito. Baka kasi hindi na kami makabalik sa Resort na ito dahil paniguradong magiging busy na naman si Van sa kaniyang trabaho. One week lang kasi ang vacation niya dahil gusto niya talagang makabawi sa akin at dahil clingy rin naman ako kaya pinagbigyan na niya ak

