Ngayon ang araw na uuwi na kami sa Pilipinas. Nag-book kasi agad ng ticket si Van. Mabuti na nga at ipinaalam namin sa mga kaibigan ko na uuwi na ako dahil nga sa sitwasyon ni Van ngayon. Noong una ay gulat na gulat sila kasi biglaan din naman talaga ang lahat. Hindi raw nila napaghandaan kaya nalungkot sila pero alam kong naiintindihan naman nila dahil sa suportado nila kami hanggang dulo. Kung may kailangan nga raw ako ay puwede ko raw silang i-message sa mga social media accounts nila at susubukan daw nilang tumulong sa akin. Sobrang suwerte ko talaga sa mga kaibigan ko na walang sawang sumuporta sa akin at handang tumulong. Kahit na hindi kami gaanong nagkikita dahil may mga trabaho rin naman silang inaatupag ay hindi pa rin nila ako kinakalimutan kahit na minsan ay may mga bagay na

