“Bibili tayo ng stocks,” sambit ko habang tinitignan ang laman ng kaniyang fridge. Kaunti na lang ang laman nito at aabot na lang siguro bukas. Mabuti na lamang at tinignan ko dahil kung hindi, baka hindi namin mapapansin na mauubusan na pala kami ng kakainin. Parang kailan lang din noong nag-grocery kami tapos ngayon, paubos na naman. Masiyado ba kaming matakaw kaya nauubos kaagad? Pero ang pagkakaalala ko ay isang linggo kaming nandoon kina Tita at Tito. Kaya paano naubos? Halos tatlong linggo pa lang naman ang lumipas noong kami ay nagpunta roon at madami-dami pa naman kaming stocks noon. “Ano ang iniisip mo?” tanong ni Van at ipinulupot ang kaniyang mga bisig sa aking maliit na bewang. Nakayakap siya ngayon sa aking likuran at damang-dama ko naman ang kaniyang makisig na katawan. N

