“Finally! Na-solo na rin kita,” sambit ni Van nang kami ay makauwi sa kaniyang condo. Ang isang araw na usapan ay umabot sa isang linggo dahil ayaw akong paalisin kaagad ni Tita. Naging bonding namin sa isang linggo ay ang pagluluto, pagpunta sa SPA para magpa-manicure at pedicure, magpa-treatment ng buhok sa Salon, mamili ng mga grocery stocks at magtanim ng mga halaman. Minsan din ay may itinatanong si Tita sa akin na mga personal na tanong kagaya na lang ng aking mga magulang. Sinagot ko naman iyon nang maayos dahil karapatan din naman nilang malaman. Wala na kasi akong mga magulang. Hindi ko alam kung nasaan sila. Wala rin naman akong maaasahan kaya nagsumikap ako para buhayin ang sarili ko pero dahil mabait ang Panginoon, nakilala ko si Kuya Hans. Siya ang tumulong sa akin noong a

