Chapter 54

1048 Words

“Hija, tara magluto tayo. Na-miss ko na ring magluto,” aya sa akin ni Tita. Mabilis lumipas ang oras dahil lahat na yata ng puwedeng ikuwento sa akin kanina ni Tita ay ikinuwento na niya. Namalayan na lamang namin na malapit na gumabi at ilang oras na pala kaming nagkukwentuhan. Mabuti nga at nagbigay ng lunch at meryenda sina Van at Tito kaya hindi kami nagutom ni Tita habang kami ay nagkukuwentuhan. Hindi rin kami inistorbo ng dalawa dahil alam nilang magagalit si Tita kapag kami ay nag-istorbo. Para ngang natanggal ang angas ng dalawa nang makita si Tita na nagsisimulang mainis noong sinubukan nila kaming istorbohin at ang rason nila ay miss na raw ni Tito si Tita habang si Van naman ay miss na raw niya ako pero nang makita nilang nag-iba na ang timpla ni Tita, bigla silang umatras.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD