Matapos kong mabasa ang message na galing kay Van ay agad akong napapikit ng aking mga mata at sinusubukang mag-isip ng paraan kung paano makatakas sa ganitong sitwasyon. Dahil sa mga mapanghusgang tao sa mundo, lalo na ang mga taong walang alam na porket dala-dalawa ang mga lumalapit sa akin na hindi ko naman gustong kunin ang atensyon nila at nagtatrabaho lamang ako nang maayos ay naiinis na ako. Hindi porket ako ay gusto ng dalawang tao, kung iyon nga ba ang gusto nilang iparating ngayon ay ibig sabihin na noon ay malandi na ako. Minsan, iyong mga taong nag-iisip ng ganiyan ay sarado ang utak. Iyon bang kahit ano ang pilit mong iwasan ang isang bagay o wala ka namang ginagawang masama ay huhusgahan ka pa rin kahit na hindi mo naman inapakan ang pagkatao ng isang nilalang sa ibabaw ng

