Matapos ang eksenang iyon ay pinalabas na niya ako sa kaniyang opisina na tulala at hindi maproseso ang kaniyang sinabi dahil sa pagka bigla. Hindi ko na rin namalayan kung paano ko natapos ang aking trabaho kahit na ako ay nalilito sa pag-uusap namin ni Sir Jett. Madaming tumatakbo sa isipan ko at hindi ko naman ito puwedeng basta na lang ikuwento. Kung noong nakaraang araw ay si Lev lang ang problema ko kung paano siya patitigilin sa panliligaw at sa kaniyang ugali, ngayon naman ay si Sir Jett na nagbibitaw ng kung ano-anong salita dahilan kung bakit nagkakaroon na ng malisya ang lahat. Kaya ba niya ibinigay ang business card niya sa akin noon? Aaminin kong wala pa akong naririnig na kung anong chismis kay Sir Jett maliban sa busy ito sa pagtatrabaho at pagpapalago ng kaniyang busine

