Maaga akong nagising dahil kailangan kong magluto ng agahan. Sinulyapan ko naman si Van sa aking tabi na malalim pa rin ang tulog pero ang guwapo niya pa rin kahit na walang ayos at tulog mantika. Napasulyap naman ako sa kaniyang katawan na ngayon ay kitang-kita. Wala kasi siyang saplot sa itaas kaya malaya kong nakikita ang katawan niya. Iyong abs niya, biceps at dib.dib niya, halatang inaalagaan niya dahil sobrang halata ang pagiging firm nito at consistent mag-work out. Hindi ko nga alam kung bakit naka-topless siya kapag natutulog. Ang lamig-lamig na nga lang pero parang hindi siya tinatablan. Hindi ko tuloy matukoy kung anong klaseng balat ang mayroon siya dahil hindi siya nilalamig. Inilapit ko ang aking mukha at hinalikan ang kaniyang noo kahit na magluluto lang naman ako. Pasimp

