“Quinn, wake up. Ngayon tayo pupunta sa bahay.” Tinapik pa ni Van nang mahina ang aking pisngi at ramdam na ramdam ko iyon. Gusto kong imulat ang mga mata ko dahil gising naman na ang aking utak pero nahihirapan ako dahil parang pagod pa ang aking katawan at gustong-gusto pang matulog. Paano ba naman kasi? Ayaw niya akong tantanan kagabi dahil gusto niya ay makapag-solo raw kami dahil ang tagal na simula noong ginawa namin ang bagay na iyon. Naging busy rin kasi siya sa kaniyang trabaho kaya diretso tulog na rin kami matapos kaming kumain ng dinner. Mahirap din naman kasing maging owner ng isang kompanya. Isama mo na rin ang ibang business nila na siya na rin ang nagma-manage. Mabuti nga at nasanay na rin ang katawan niya sa sobrang daming meeting at paper work na ginagawa niya araw-ara

