“Saan ang punta mo?” Napatalon naman ako sa gulat nang marinig kong may nagsalita sa likod ko. Nasa harap na kasi ako ng hotel na kung saan nandoon ang condo ni Mira. Balak ko na rin kasing umalis ngayon dahil nakahanap na ako nang malilipatan at nabili ko na rin kasi iyon. Marami-rami rin ang mga gamit na dala ko at karamihan dito ay mga damit. Kung tutuusin ay bagong bili pa lang ang karamihan dito at hindi ko pa lang nasusuot. Paano ba naman kasi? Wala naman akong pupuntahan at mostly dress din ang mga iyon at mga formal attires para kung sakaling magtrabaho na ako ay hindi na ako mahihirapan pang bumili sa kung saan na kakasya at bagay sa taste ko. Paglingon ko sa likod ko ay nakita kong nakatingin sa akin si Van. Medyo matagal na rin noong huling kita namin pero kahit na ganoon ay

