“Hindi ba puwedeng mag-check in na lang ako sa hotel?” tanong ko habang siya ay nagmamaneho. “What for? May tatlong bedroom naman ang condo ko. Kung ayaw mong katabi ng room mo iyong room ko, doon ka na lang sa kabila para hindi ka mailang,” aniya. Bumagsak naman ang aking mga balikat nang sabihin niya iyon. Wala kasi talaga siyang balak na hayaan akong matulog na lang sa hotel. Ayaw ko naman kasing ma-issue lalo pa at kilala rin yata siya ng buong mundo bilang maimpluwensiyang tao sa business. Para makasiguro ay agad kong kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa at hinanap ang impormasyon tungkol sa kaniya. Pagka-type ko pa lang ng kaniyang pangalan sa internet ay madaming articles na agad ang lumabas at halos malula ako dahil hindi ko alam kung ano ang pipindutin ko. Ang ilan sa mga it

