Nagising si Dash na may hangover.
“Ah shit.”
Hinanap nang kamay niya yung phone niya, pero may naramdaman ‘tong matigas, tapos… parang may buhok.
“What the heck?” ungol niya, kalahating tulog pa.
Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata niya, at isang katerbang puting tela ang sumalubong sa kanya. Napapikit siya na para bang ang bagal nang takbo nang utak niya.
“OMG.” Tumingin siya sa paligid at tanging kombinasyon nang puti at ginto lang ang nakikita niya. Puting sheets, puting table, puting lamp, eleganteng puting dingding na may gintong accents, puting kahoy na nakadisplay sa isang puting paso na may gintong lupa, puting flatscreen.
“Patay na ba ‘ko?” dumagungdong yung puso niya kaka-alala kung ano bang ginawa niya bago siya nakatulog. Naaalala niyang nagiinuman sila nang mga kaibigan niya, tapos dumating si Boone at umalis… Pagkatapos nun...
“Bakit ang labo?” bulong niya. Yung kamay niya may napipindot na matigas. Nilakasan niya ang loob niya para tingnan kung ano yun…
“s**t!” sigaw niya.
“Tigilan mo pagpisil sa ilong ko.”
Kunot ang nuo, nagulat siya. Napasigaw at nalaglag sa kama.
“Ow! OW! OOOOW!”
Hinimas niya yung pwet niya dahil napaluhod siya sa sahig. Sobrang sakit nang katawan niya at alam niyang hindi ito dahil lang sa nahulog siya. Para siyang namamaga.
Natakot siya bigla.
“Ok ka lang ba?” tanong nang isang lalake na magulo ang buhok.
“Mukha ba akong ok?!” sigaw niya. “Sino ka bang tang ina ka?”
Tinaas lang ni Dar yung kilay niya. “Wag mo ako kausapin nang ganyan. Matuto ka gumalang.”
“Ha! Galang? Anong ginawa mo sakin? Anong lugar ‘to?”
Ang hindi lang niya nakikitang puti eh yung sarili niyang damit na nakakalat sa kama.
“Tulog ka pa ba? Nasa Clove ka malamang.” Sabi ni Dar mula sa kama.
“CLOVE? Clove ‘to? Diba bar at club ang Clove? Bakit may kwarto?!”
Nalito tuloy si Dar.
“Mukhang tulog ka pa nga.”
Tumayo siya at di pinansin si Dash na para bang binawian nang buhay. Bukod sa masakit yung pwet niya, nakahubad siya kaparehas nung lalake na kausap niya. Sobrang nakakahiya.
“Pano ba ako napunta dito?” nagpapanic na bulong niya sa sarili niya.
Muhang intimidating yung lalake. Hula ni Gulf mga edad 30s. Matangkad, maskulado, may script na tattoo sa bandang kaliwa ng likod niya pero di niya mabasa. Nataranta siya nung nilapatan siya pero hinagisan lang siya nang bathrobe. Dali-dali niyang sinuot at niyakap niya mga binti niya na parang statwa.
Nginisian lang siya ni Dar. “Di ko akalaing ganito ka ka-cute. Sobrang agresibo mo kasi kagabi. Di ko inexpect.” Sinuot niya yung sarili niyang bathrobe at naghilamos sa banyo. Pagbalik niya, ganun parin yung posisyon ni Dash at tila namumutla.
“Seryoso, ano bang nangyayari sayo?” napasimangot na si Dar at nag-aalala.
Sa totoo lang, takot si Dash. Isa siyang straight na lalake pero mukhang may nangyari sa kanila nitong lalake. Totoo kaya na nasa Clove parin siya? Hindi kaya napickup siya at ni-rape siya o di kaya inimbita niya ‘tong taong ‘to para makipagsex? Hindi. Kahit lasing siya, hinding-hindi niya magagawang makipaghalikan man lang sa lalake.
Hindi siya makahanap nang bintana at aabutin nang isang minuto bago siya makaabot sa pinto. Ang laki nang bahay na ‘to at nakakainis sa sobrang puti. Isang bruskong tao si Dash at ayaw niya sa masyadong malinis at lalo na yung maliliwanag. Nakatira siya sa makalat.
“Look, alam ko naging mapusok ako kagabi. Ito, may iniiwan naman silang painkillers palagi. Inumin mo na lang.” sabi ni Dar, concerned.
Nagduda siya dito. Hindi niya yan pwedeng inumin. Paano kung drugs yan?
“Aaah, nako, dumugo ka nga pala. Di ko alam na virgin ka. Kaya pala ang sikip.”
“Stop! Stop it!” sigaw ni Dash. “Ikaw. Sino ka ba? Bakit mo ‘ko dinala dito?”
“Ako ang bago mong kilyente. Ngayon akin ka na.”
“Sayo? Anong ibig mong sabihin?”
Napasimangot lalo si Dar. Hindi niya maintindihan ‘tong si Dash. Kinuha niya yung box ng chocolates na nasa kama parin at kumain nang isa. “Hindi ka ba naorient man lang? Graduate ka na sa wine at ngayon tsokolate ka na. Diba mas maganda yun?”
Graduated na sa wine? Para kay Dash, hinding-hindi siya gagraduate sa alak. Yun ang paborito niya sa buong mundo.
“Hindi kita maintindihan.” Sinubukan niyang tumayo pero di niya kaya. Hirap niyang itinayo ang sarili niya. Nakita na niya ngayon kung anong ibig sabihin ni Dar. Merong natuyong dugo sa puting sapin ng kama.
Lalo siyang nagpanic.
Para sabihing virgin siya ay isang insulto. Nakailang babae na siya pero hindi niya hinangad na ihatag yung likod niya para kahit kanino. Napaiyak siya habang tinitingnan yung sarili niyang dugo. Yung sakit sa pwet niya ang patunay na kanya nga yun.
Nabigla si Dar. Binitawan niya yung box at tinulungan si Dash na tumayo, pero suntok ang inabot niya. Nalaglag siya sa sahig at pagpunas niya nang bibig niya, may dugo.
“How dare you! Anong ginawa mo sakin?! f**k you! Wag mo ‘kong hawakan!” sigaw ni Dash habang tinatapon lahat nang unan na maaabot niya.
Alam nang lahat na mabait, magalang at pasensyoso si Dar. Pero ngayon, nauubos na pasensya niya. Wala pa sa buong buhay niya ang nakasuntok sa mukha niya. Yung mukha na million-dollars ang halaga at nafeature na sa Time, Forbes at kahit sa Entertainment Weekly.
“Gago ka. Ano bang pinuputok ng buchi mo?” Kinaladkad niya si Dash at tinulak sa kama, hawak ang mga braso niya. “Yung fact na pinirmahan mo yung kontrara means pumayag kang maging akin!”
Napahikbi si Dash. Mas malakas sa kanya ‘tong nakakatakot na lalake, tapos siya injured pa. Natrap siya sa kwartong ‘to na walang ideya kung pano makakalabas. Kung makalabas siya, magrereport ba siya sa police o itong lalakeng ‘to na mukhang mayaman ba ay may kakayahang tapusin siya?
Pero teka… anong ibig niyang sabihin?
“Anong contract pinagsasabi mo?” sigaw niya ulit.
Binitawan siya ni Dar at mula sa side table, kumuha siya nang mga dokumento na may official stamp. Tinapon niya sa binti ni Dash. “Ayan, pinirmahan mo kagabi.”
Nanginginig niyang hinawakan yung papel. Di siya makapaniwala. Parang drawing pero pirma nga niya ‘to! Pano to nangyari? Binasa niya yung nakasulat. Habang humahaba yung pagbasa niya, lalong hindi siya makapaniwala. Yung huling sentence ang sumira sa ulirat niya.
Here, signed by (signature), allow Helios to be my exclusive client under the above-mentioned regulations and swear not to speak, alert, or in any way divulge the VVIP to outsiders.
Mangiyak-ngiyak niyang tiningnan si Dar.
“Helios?!”
Tumango si Dar.
“Ito… hindi ko ‘to pinirmahan.”
Kinuha ni Dar yung papeles and binalik sa drawer. Kinuha niya ulit yung box ng chocoaltes at inalog sa mukha niya.
“Ito, hindi pa ba proof? Binibigay lang ‘to sa mga host na gustong lumipat from VIP to VVIP.”
“Wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo! Hindi ako pokpok, at lalong hindi ko gustong maging puta o alila mo o kung ano man yang kontratang yan. Anong VIP? Nakikipaginuman lang ako sa mga kaibigan ko. Paano ako napunta dito?!”
Kahinaan ni Dar ang mga luha. Habang tinitingnan niya si Dash, lalo niyang nararamdaman na para bang may mali siyang ginawa, eh alam naman niyang wala. Parang naliligaw na bata si Dash, at kahit gustuhin man niyang punasan yung luha niya, ayaw na niyang ma-attach ulit.
Not again.
Minasahe ni Dar yung gilid ng ulo niya at tinapon yung box sa kama. Nagdial siya sa phone na nakakabit sa dingding. Pagkatapos ng ilang minuto, nakarinig sila nang katok.
Isang lalakeng nakapormal na suot ang pumasok, kasama ang isa pa na nakasuot nang manager’s uniform. Namutla siya nung nakita sila.
“Pwede ba ipaliwanag niyo ‘to? Parang di yata tama na ganito ang trato niyo sakin pagkatapos kong mawala at bumalik? Ang laki nang investment ko sa lugar na ‘to, tapos bibigyan niyo ako nang hindi ako sinusunod?”
Ramdam ni Dash na itong ‘Helios’ na ‘to ay importanteng tao. Sa pagsasalita niya para bang kaya niyang ikutin yung leeg nung manager na parang wala lang.
Nagulat si Dash nung biglang lumuhod yung manager, yumuko to the point na yung ulo niya nasa sahig na.
“B-boss Darian, s-sorry po. Kapabayaan ko po ‘to. Hindi ko po napansin.”
“Meaning?”
“Yung… Yung host po na naka-assign sa inyo, tumakas kagabi.”
“So bakit niyo binigay sakin ‘tong bastos na ‘to?”
“Anong tawag mo sakin?” reklamo ni Dash. Hindi parin siya makatayo. Kung hindi lang masakit yung likod niya, nasuntok na niya ulit ‘tong mayabang na ‘to. “Hoy FYI, hindi ako bastos at hindi rin ako basta-basta binibigay lang sa mga kagaya mo!”
“Sorry Boss Dar. Yan… sa totoo lang di ko alam kung sino yan.”
Nagsalubong yung kilay ni Dar at napatingin sa nakaluhod na manager tapos sa namumugtong mata ni Dash.
“Ano? Ano bang sinasabi mo? Explain!”
“Si Boone po, yung nagpasya na magupgrade sa VVIP, nagback-out po kagabi. Sinubukan ko po siyang pigilan kasi pinili po siya mismo ni Sir Pierce at wala na pong replacement. Kaya lang po kagabi, sabi niya ayaw na niya at maglileave daw po muna siya. Sinubukan ko po talagang kausapin at kinocontact ko po kayo pero hindi po kayo sumasagot.” Pahina nang pahina yung boses niya.
“Boone? Si Boone nagtatrabaho bilang host?” inirapan ni Dash lahat nang nasa kwarto. Alam niyang mahirap lang si Boone pero di niya akalaing papasok siya sa ganitong klase nang trabaho.
“Kilala mo si Boone?” tanong nung manager.
“Oo! Kaibigan ko sa university. Kainuman ko kagabi!”
Humarap si Dar sa manager. “Eh kagabi hawak nito yung Debauve!”
“Dobo-what?” Tanong ni Dash.
“Debauve and Gallais.” Sabi ni Dar in perfect French, sabay turo sa box.
Napatingin si Dash at pilit inalala kung pano ba niya nakuha yun. Tapos biglang pumasok sa utak niya yung eksena kagabi na may nagbanggit nung pangalan nung chocolate.
“Yan? Nakita ko lang yan sa table! Naiwan ni Boone kagabi tapos kinain ko.”
Namutla si Darian at pinanlisikan nang mata yung manager. “Hindi host ‘to?!” sa wakas napagtagpi-tagpi na niya yung situation at hindi siya makapaniwala.
“Yun nga yung kanina ko pang sinasabi! Hindi ako puta!”
“Masama ‘to. Walang taga-labas ang dapat na nandito.” Sa unang pagkakataon, nagsalita yung naka formal attire. “Magwawala yung iba.”
“Anong gagawin natin dito?” tanong ni Darian habang iritableng kinakamot yung ulo niya. “Wala na bang kalidad ‘tong lugar na ‘to simula nung umalis ako? Siguro ipupull-out ko na lang yung stocks ko.”
“No, kalma lang boss.” Sabi nung nakapormal na para bang nagpapanic.
“Binigay niyo ‘to sakin, tapos, kagabi… Nag-ano kami… oh gawd.” Kinuha niya yung papeles at pinakita sa kanila. “Pinirmahan niya!”
Tinitigan nung nakapormal yung papeles at napakagat-labi at namumula.
“Ang pinirmahan contract sa Clove ay hindi pwedeng salungatin at palitan, Boss Dar. Kung pinirmahan niya na ‘to, ibig sabihin sayo na siya.”
Tinitigan ni Dar si Dash na mukhang nagpapanic na naman. Hindi niya alam kung sinong mas maputla sa kanilang dalawa nung manager.
“Pero… Napatunayan ko naman na hindi ako host… or kung ano mang tawag niyo sa kagaguhang ‘to. Obvious naman na ako yung biktima dito? Idedemanda ko kayong lahat! At bakit niyo ‘to tinatawag na Darian? Diba Helios ang pangalan mo?”
“Hindi mo kami madedemanda, yan ang sinisiguro ko sa inyo. Lawyer nga pala ako.” Sabi nung nakapormal.
Hindi naging maganda yun sa pandinig ni Dash. Pwede siya humingi nang tulong sa magulang niya pero kung gagawin niya yun malalaman nang lahat na nagpunta siya sa ganitong lugar. Walang dapat makaalam na napadpad siya dito. Dahil wala na siyang maisip, nagsabi na lang siya nang last resort niya.
“Ipagkakalat ko lahat ng baho ng club na ‘to! Illegal ‘to eh!”
“Yan… ang pinakatanga na sinabi mo sa sitwasyon na ‘to.” Buntong-hininga ni Dar.
“Attorney, mag-iisip muna ako. Hindi ‘to dapat malaman ng board. Delikado para sa kanya.” Napatingin ulit siya kay Dash na naiiyak na naman and then umiwas na siya nang tingin. “Maghahanap ako nang paraan.”
“Boss, sorry po talaga.” Sabi ulit nung manager. “Rest assured, hahanpin po namin si Boone at bibigyan nang karapat-dapat na parusa.”
“Ipapasesante kita. Ito na yung pinakahorible na naexperience ko sa Clove. Mapaparusahan ka din at pagsisisihan mo ‘to.” Pagbabanta ni Darian, sabay talikod sa kanila.
Umalis na yung dalawa, at hinang-hina yung manager.
Pakiramdam ni Dash parang mas safe pa siya nung kasama niya yung dalawa. Hindi niya gustong mapag-isa kasama nitong Helios? Darian? At si Boone naman, masasakal niya pag nagkita sila. Kasalanan niya lahat kung bakit siya nandito. Parang lumalabas na dapat si Boone ang host nitong si Darian at dahil lang dumampot siya nang chocolates, naexperience niyang maging pokpok.
“Look, alam kong nalilito ka rin katulad ko, pero wala tayong magagawa dito nang dahil sa kontrata.” Sabi ni Dar. Umupo siya sa at humarap sa kama.
“Sa pagkakaintindi ko, mas may kapangyarihan ka kesa sa mga lalakeng yun. Ibigay mo sakin yung kontrata, pupunitin ko. Gawin mo lahat para mawalan nang bisa. Hinding-hindi ako magiging host.”
“May kapangyarihan man ako, pero hindi sapat para baliwalain yung kontrata. Ito ang batas ng Clove.”
“Ibig sabihin?”
“Dito ka lang sa tabi ko hanggang magsawa ako sayo.”