June 2009 First day ko sa college. Sa NTC ako nag-enroll dahil taga-duon sila Sol. Siya 'yung lalaking nagbigay sa akin ng calling card paglabas ko ng KTV room. I get to decide for myself after my parents got divorced last year. Duon ako nagsimulang maging focus sa music. Umalis si Daddy papunta sa Colorado at tuluyan ng sumama kay Barbara. Siya ang British-American kong madrasta, at si Mommy, nagtrabaho naman sa Japan dahil gusto niyang ituloy ang painting na tinalikuran niya noong magkaroon siya ng pamilya. Kaya ngayon, nasa bahay ako nila Tristan. I am under his parent's care because I am still a teenager, but I have my own decisions. Hindi din naman sila humadlang noong sinabi kong sa NTC ako mag-aaral. Si Tristan lang ang may ayaw. Hindi naman siya ang gagastos sa pag-aaral ko kaya

