After class, hindi ko inaasahang makita si Chad sa tapat ng classroom namin. Naghihintay. Ako ba ang hinihintay niya? Hindi ko naman akalaing hihintayin niya ako.
Nakumpirma lang ang iniisip ko nang kawayan niya ako. "Utol mo 'yan o shota mo?" tanong ni Chad na ang tinutukoy ay si Tristan na nakita nito sa bus kanina
"Shota?" nagtatakang ulit ko sa hindi pamilyar na salita.
"Short-time. Boyfriend."
Natawa ako. Sana nga boyfriend ko na lang. "None of the above. First love ko, pero hindi ako mahal."
"Kakain tayo sa labas. Hinihintay tayo nila Red." Anunsiyo ni Chad na parang wala naman talagang pakialam sa kung ano ang mayroon sa amin ni Tristan.Somehow, I like this guy. Hindi siya kumplikado. Chill lang.
Tumango ako saka sumama sa kanya.
"Ako naman manlilibre sa inyo." Sabi ko nang magkakasama na kami sa kabilang tindahan. Mukhang maiikot ko ang buong U-Belt sa Mendiola dahil sa kanila.
"Bakit ka naman manlilibre?" tanong ni Gil.
"Wala. Pa-thank you lang kasi welcome agad ako sa grupo niyo."
"Weh, oh pa-sorry kasi muntik nang mapaaway si Chad dun sa jowa mo?" natawa lang ako sa sinabi ni Red. Mukhang nakapag-sumbong na si Chad sa kanila.
"Hindi ko naman jowa 'yun." I snorted.
"Eh, ano pala?" curious din si Sol.
"Kababata ko lang 'yun. Ampon nila ako ngayon sa bahay nila."
"Ampon? Akala ko ba nasa abroad lang parents mo?" si Sol lang ang nakakaalam noon dahil kami lang naman ang nag-uusap sa text
.
"Oo nga, pero dahil minor pa ako, hindi ako pwedeng mamuhay nang mag-isa. Iniwan ako ni Mom sa bahay nila Tristan."
"Tristan pala ang pangalan ng gagong 'yon? Sabihin mo sa kanya, linisin niya ang utak niya ha." Nagkatawanan sila sa sinabi ni Chad. Mukhang alam na ng tatlo na nagalit si Tristan dahil iba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ni Chad na performance.
"Grabe p're, akala niya yata may ginagawa tayong milagro kay Kianne."
Nagkatawanan sila sa sinabi ni Gil. Hindi naman kasi talaga sila 'yung tipo na babaero at puro kabastusan ang alam. Literal na music lang ang topic namin tuwing magkakasama kami. Si Red ang ka-department ko kaya minsan, topic sa school ang pinag-uusapan naming dalawa.
Madalas nga nilang isama ang mga girlfriend nila kaya pati ako kaibigan na din nila Kate, Princess at Shaye. Magaganda sila at dahil ako ang bunso, palagi din nila akong niyayayang magpa-spa, magpa-salon at magpaganda.
Sila ang pinaka-amazing na mga taong nakilala ko.
At para matahimik na din ang mga tao sa bahay, nagpaalam ako kay Tita Miranda na iimbitahan ko silang pito sa birthday party ko.
It was a pool party na literal na silang pito lang ang outsider.
Mabuti na lang at mabait si Tita Miranda dahil tinulungan niya akong estimahin ang pito kong bisita. Nakakahiya nga lang at pinu-push nila ako kay Chad habang nasa bahay ako ng future husband ko. Hehehe.
Ewan ko ba, gusto nilang magustuhan ko si Chad para maging official na kaming love teams na apat. Pero ayoko dahil hanggang ngayon naman, si Tristan pa din ang gusto ko.
Kukuha lang sana ako ng soft drinks sa ref nang pigilan ako ni Mia. Nine years old na siya.
"Bakit, Mia? Ano'ng problema?"
"'Wag ka na bumalik duon. Diba si Kuya ang crush mo?" Nalaman niya iyon dahil narinig niya akong kinakanta ang sinulat kong kanta para sa Kuya niya.
"Babalik ka pa dun sa matattoo?"
"Mia, kaibigan ko lang sila. Si Kuya mo pa rin ang gusto ko." Bulong ko sa kanya.
"Weh? Di nga?"
Ang kulit niya talaga. Kung hindi niya lang ako narinig noong kino-compose ko 'yun, malamang tahimik pa rin ang buhay ko. It happened last year when I am still coping with my parent's divorce agreement.
"Nakakahalata na kaya si Kuya! Kaya lang ang akala niya boyfriend mo 'yung lalaking 'yun."
"Ikaw, bata ka pa. Ang dami mong alam tungkol d'yan sa pagbo-boyfriend."
"E kung tingnan ka kasi n'ung mamang 'yun para kang tutunawin! Please Ate, 'Wag ka na bumalik duon."
"Mia." Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ko si Tristan. "'Wag mo na ngang pigilan si Kianne. Halika. Gawin natin ang assignments mo."
Nakalabing sumunod si Mia sa kapatid niya.
Kanina pa ba siya duon? Sana naman wala siyang masyadong narinig.
February 2019
"Hay, Ate. Sobra kitang na-miss." Saglit niya akong niyakap nang mahigpit. Kasalukuyan kaming nag-aayos ng mga damit naming sa isang kwartong itinuro ng katulong ni Helga. Hindi kami kinausap ng babae dahil masyado siyang abala sa fiancé niya. "Alam mo, naging fan mo na ako nu'ng ni-release mo 'yung kanta mo para kay Kuya. Ang brave lang kasi ng kanta. Sobrang lakas maka-Taylor Swift. Kung solo artist ka nga lang, pwede kang itapat sa kanya."
Natawa na lang ako sa sinabi niya. "Naku, hindi pa ako nakakarating kahit man lang sa kalahati ng narating nun. 'Wag ka ngang magpatawa."
"Hanggang ngayon, wala ka pa rin bang confidence? My gosh, Ate! Ang dami niyo ng na-achieve ng bandmates mo."
I bitterly smiled. Kasi kahit pa totoo naman 'yung sinabi niya, hindi ko pa rin ma-ialis 'yung katotohanan na hindi pa rin ako masaya sa kabila ng mga narating ko. May kulang pa rin.
"'Wag mong sabihing hindi ka naman naging masaya pagkatapos mong iwan si Kuya para sa career mo?"
Hindi na ako nakasagot dahil nakita ko na agad si Tristan. Mukhang papunta siya talaga sa amin para sunduin ang bunso niyang kapatid. Nagkagulatan pa kami ni Tristan nang magtama ang paningin namin. Ako ang unang nag-iwas ng tingin dahil sinugod na siya ng yakap ni Mia.
"Kuya!"
"Ano'ng ginagawa mo dito?" alam kong ako ang tinatanong niya pero hindi ako sumagot.
"Andito si Ate Kianne para iuwi ka. Sumama ka na sa amin, Kuya."
Sumama ang tingin niya kay Mia. "Ikaw ba ang may pakana nito? Hindi mo na dapat inaabala 'yung mga taong matagal ng walang kinalaman sa buhay ko. Bakit nandito ka?" ulit niya sa tanong niya sa akin. This time, he looked straight into my eyes. Hindi ko na magawang magbawi ng tingin.
Tiningnan din kasi ako ni Mia na parang nakikiusap siyang magsalita na ako at simulan na ang pangungumbinsi sa Kuya niya na hindi dapat ito magpakasal kay Helga, pero hindi ko alam kung paano magsisimula.
"What?"
"I just thought you might need a wedding singer."
Ang lakas ng buntong-hininga ni Mia sa sinabi ko.
Tristan looked blankly into my face. "Yeah. Your timing is perfect. I need you to sing for my wedding. Thanks for coming." Sarcasm lang ang nakuha ko mula sa kanya saka niya kami iniwan ni Mia duon habang bitbit niya ang ibang mga bagahe ng kapatid niya. "Sa ibang kwarto ka na lang mag-stay." Pahabol na utos niya kay Mia.
"Ate, bakit mo naman sinabi 'yon?!"
"I'm sorry, hindi ko alam kung kaya ko 'tong gawin."
"Ate, please. Kayanin mo. Alam mo ba ang gusto ng babaeng 'yon? Magma-migrate sila ni Kuya sa Australia after wedding. Si Mommy may cancer. At wala siyang pakialam! Kaya nga wala dito ang parents namin kasi hindi pwedeng mag-travel si Mommy dahil sa kundisiyon niya at sa mga chemo sesh niya every week. Alam na nilang ganoon ang kundisyon ni Mommy pero tumuloy pa rin sila sa islang 'to para lang pagbigyan ang kapritso ng babaeng 'yon! Ate, 'wag mong hayaang kunin sa atin ng bruhang 'yun ang kapatid ko."
Nagulat ako sa sinabi niya. "Sorry, hindi ko alam ang tungkol kay Tita Miranda."
"Naiintindihan naman namin 'yon, Ate. Kaya nga bago mo sana siya bisitahin, dapat magkasama na kayo ni Kuya. Alam mo bang ikaw pa rin ang gusto niyang maging daughter-in-law?"
Hindi ako nakasagot.
"Ate, please." Halos maiyak na siya habang nakikiusap sa akin.
Napabuntung-hininga na lang ako at niyakap siya. "Kung mahal pa nga ako ng Kuya mo, magwo-work 'to."