Para akong nabibingi sa sinabi niya. Ako pa rin daw? "Kaya lang, mukhang masaya ka na sa Koreano na iyon." malungkot niyang pahayag. "I know I wasn't in the right position to ask you to love me again. Pagkatapos ng lahat lahat. Pero narito ako para humingi ng isa pang chance, Kianne. Please. Love me again. Let me make you the happiest woman in the world." Naiiyak na niyakap ko siya. Wala akong masabi. Ni hindi ko alam kung totoong nangyayari ito. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko siya at yakap-yakap ko sa mga oras na ito. Bahagya niya akong inilayo sa kanya para matitigan. "Teka, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Umiiyak ka ba noon sa kasal ni Chad dahil nalulungkot kang ikinakasal na siya? Ako naman ang pumitik sa noo niya. "Siraulo ka ba? Umiiyak ako kasi nami-miss kita at

