December 2020 March bride sana ako kung hindi lang nagkaroon ng pandemic. Noong isang taon pa naka-plano ang lahat pagkauwi namin sa Pilipinas kaya lang kinailangang mausog ang kasalan na iyon nang dahil lang sa banta ng Covid. "Okay lang 'yan." sabi ko kay Tristan dahil sa sobrang disappointed siyang hindi agad kami maikakasal gaya ng plano. "Ang importante ngayon, ligtas tayo pati mga bisita natin." "You're right" sang-ayon niya. Nagkaroon ng impact sa restaurant ni Tristan ang pandemic dahil madami na ang hindi kumakain sa labas. Nabawasan din ang mga guestings namin bilang grupo. Bigla kaming naging indefinite hiatus. Siyempre, dahil iyon sa pagdi-discourage na ang mga events katulad ng concerts. Kaya naman kaming lima, napilitang manatili sa bahay. Ang tanging positibong idinulot

