December 2014 Dire-diretso ang pagkapanalo namin sa contest sa TV every week. Nakasuporta si Tristan at sobrang thankful ako dahil hindi man lang siya nagdedemand ng oras sa akin dahil naiintindihan niyang inaabot ko lang ang pangarap ko. Sa huli, hindi ko na rin natiis si Tristan dahil mahal ko siya kaya pinalampas ko lahat ng masasakit niyang sinabi. Ilang beses na rin naman siyang humingi ng tawad. Wala akong makitang dahilan para patuloy na magalit sa kanya. Every jealous boyfriend will lose their s**t if they saw their girl being kissed by someone else. Baka nga kapag nakita ko rin siyang hinalikan ni Helga ganoon din ang mga sabihin ko. At hindi ako nagsising pinatawad ko siya dahil mas naging matibay ang relasyon namin ng dahil duon. Hindi na din niya pinagseselosan si Chad dahil

