February 2019 Napatayo ako nang marinig na tumunog ang tyan niya. Siguradong gutom na siya dahil kape lang naman ang laman ng tyan niya mula kaninag umaga. "Saan ka pupunta?" tanong niya habang sinusundan ako ng tingin. "Kukuha ng pagkain. Mamaya pa tayo babalikan ng mga iyon." Hindi niya ako napigil na lumusong sa tubig para kumuha ng isda. Natawa siya dahil parang imposible nga naman ang ginagawa ko. Wala akong alam sa pangingisda gamit ang lambat. Ang kumuha pa kaya ng isda gamit lang ang mga kamay ko? Pero sapat na ang ngiti niya para maramdaman kong kahit paano, ayaw din naman niyang tuluyang mawala ako sa buhay niya. Sinamahan na niya ako duon at tinulungan. "Ang tapang mong kumuha ng isda hindi ka naman marunong." He diss me. "Gutom ka na kasi." sabi ko. "Ayaw kong nagugutom k

