DANIELLA Syempre, dahil babalik ako ngayon sa syudad, dapat kabog ang suot ko. Hindi p'wedeng hindi ako mag OOTD. Baka mamaya makita ako ng bashers ko, pangit pa ang i-post nila online. Duh? Nang makita ako ni Uncle, syempre andoon na naman ang mukha niyang 'here we go again'. Kulang na nga lang mag protesta siya. Wala naman siyang magagawa sa suot ko, dahil baka magtalo pa kami. At saka hindi ko nga pinapakealaman ang suot niyang baduy. "How long will you stay there?" tanong ko sa kaniya. Though wala naman siyang bitbit na maleta, pero knowing him, since he is rich, for sure na may place siya na pupuntahan. "Maybe a week. Ikaw?" "Uhm. Just this day. Iche-check ko lang ang unit. Tapos kakausapin ko na rin ang agent na siyang magtitinda ng penthouse ko." Hindi ko sinabi kila Mama na

