DANIELLA Nakakainis talaga ang uncle na iyon. Instead mag pasalamat sa akin... ano raw? He didn't ask for it? Wow! He really did make me speechless. Ibang klase! Siya na nga itong ginawan ng pabor ako pa ang masama? Two words lang naman yung thank you, pero kung makaasta siya akala mo nakasalalay buong buhay niya. "I can't believe him!" pagmamaktol ko. Gusto kong sumigaw sa sobrang inis. Gusto kong magdabog. Gusto kong mag rant sa kaibigan ko pero narealize ko, wala pala ako no'n. This is so outrageous! So freaking annoying! Kapag wala naman akong ginagawa, may masasabi siya. Kapag may ginagawa ako, may masasabi pa rin siya. Gosh! I hate it! "What?!" I hissed, super angry when I saw him. May bitbit pa siyang tray, at kahit nag c-crave ako sa dala niya pinipigilan ko ang sarili ko.

