DANIELLA Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko sa tuwing nakikita ko ang matandang matapobre. Kahit na ata magunaw ang mundo ay hindi kami magkakasundo. Sadyang hindi kami nag c-click sa isa't isa. Mag c-click man kami siguro sa away na lang. "Hija, kagagaling mo lang sa sakit. Sigurado ka bang kaya mo?" tanong ni Mang Karding na kanina pa ako tinatanong kung kaya ko bang tumagal sa bodega. Wala si Uncle ngayon, sabi ni Mang Karding ay maaga raw itong nagpunta sa bayan para i-check ang mga paparating na supply na pataba. Hindi ko naman tinatanong, at wala naman akong pakealam. "I'm fine. Para naman magkaroon ako ng silbi rito, at hindi sabihin ng iba na pera lang ang habol ko," pagpaparinig ko sa matandang kung makatingin na naman sa akin akala mo ninakaw ko ang kaban ng bayan. Hin

