Kabanata 4

1000 Words
Lihim na sinulyapan niya ang seryosong lalake na nagmamaneho siguro sa tantiya niya nasa dalawampu't lima pataas ang edad nito..Kung hindi siya nagkakamali ng hula kasi hindi nalalayo ang edad nito sa kaniyang Ate Samantha,halos pitong taon kasi ang agwat ng edad nila ng kaniyang Ate dahil sa pag-aakalang hindi na mabubuntis ang kaniyang Inay,kaso nga lamang nabuntis pa ito at siya iyun..Kaya naman medyo talagang pagdating sa bahay ay bini-baby siya ng mga ito. "I don't know what's on my face,baka matunaw na ako nyan,the way you stare at me."anito. Napalunok ng laway si Tanya,masyado bang obvious ang ginawa niyang pagtitig dito,hindi lang talaga kasi niya mapigilan eh!ewan ba!pero bakit parang gustong-gusto niya itong titigan. "So..sorry"tanging nasambit na lamang niya saka nahihiyang ibinaling sa iba ang tingin.. Walang anumang nangyaring pag-uusap na namagitan sa kanila.Kunsabagay,malapit lang naman ang kina Aleng Maring kaya wala saka wala naman silang dapat na pag-uusapan dahil hindi naman sila close,at lalong hindi sila magkakilala..Hindi man lang nga ito nag-abalang tanungin kung ano ang kaniyang pangalan,nagmagandang-loob lang talaga ito na isakay siya tutal ay doon din naman ang daan ng lalaki sa gawi nina Aleng Maring. "Salamat!"aniyang bumaba na sasakyan nito. Tumango lamang ito at saka pinasibad na ang sasakyan. Hinatid tanaw pa niya ito hanggang sa alikabok na lang ang matira sa kaniyang paningin.. Naiiling na hinatid niya ang dala-dalang isang balot na plastik na mais kay Aling Maring at kaagad rin umalis. Minsan,naisip niya na kailangan kaya sila makakaahon sa kahirapan gayung nasa ikalawang taon pa lamang siya sa kolehiyo,dalawang taon pa o mahigit ang bubunuin niya upang makapagtapos ng pag-aaral at matagal-tagal pa bago siya makakatulong sa kaniyang magulang..Ang kaniyang Ate Samntha naman niya ay kakarampot lang din naman ang sinasahod sa bayan kaya nga mas pinili na lamang nito na mag-stay in sa trabaho kaysa umuwi pa sa kanila,sayang pa ng pamasahe dahil malaki din ang halaga na mababawas sa sahod nito kaya nagdesisyon ito na lingguhan na lamang umuwi,minsan inaabot na ng isang buwan bago ito umuwi dahil nasasayang ito sa overtime.. Hays!tanging siya na lamang ang pag-asa ng pamilya kapag nakapagtapos siya dahil ang kaniyang Ate kasi hanggang sa ikalawang sekondarya lamang sa kolehiyo ang natapos at hindi na ito nakapagpatuloy pa dahil sa kakapusan nila sa financial kaya minabuti nito na ito na ang magparaya at siya na lamang muna ang papagtapusin ng pag-aaral. Dahil sa pagmumuni-muni hindi niya namalayang nakarating na pala siya ng bahay at nadatnan niya ang kaniyang ina na abala sa pagbabalat ng gulay na kalabasa,mayroon na din itong nahimay na sitaw,okra at talong.Huhulaan niya kung ano ang lulutuin nito walang iba kundi pinakbet,iyun lang naman ang madalas na lutuin ng kaniyang ina basta may inani na itong gulayin. Hindi na siya naghintay pa na utusan nitong magsaing,siya na mismo ang nagkusa sa kaniyang sarili at nagsalang ng sinaing. "Naihatid muna ba ang mga mais?" "Oho!heto ang bayad ni Aleng Maring.."sabay abot sa ina ng pera. "Itago muna yan saiyo,para pambaon mo." "Sige ho!"aniya.."Pasok lang ako sa kuwarto,Inay." "Sige...maya-maya lumabas ka na rin kapag kakain na." "Oho!" Kinuha niya ang mga reviewer sa bag at nagsimulang magreview ng kanilang mga lesson,pinagtitiyagaan na lamang niyang isulat ang mga iyun dahil wala naman silang internet.At kung magloload naman siya ay dagdag pa iyun sa kaniyang mga gastusin gayung kinukulang na nga siya ng pambaon,alangan naman isingit pa niya ang pagloload,Kaya wala siyang choice kundi ang isulat ang mga lesson na kanilang tinatalakay.. Nakakailang page pa lamang siya sa pagbabasa ng marinig niya ang boses ng kaniyang ina at nagyaya ng kumain. Muli niyang ibinalik sa bag ang reviewer saka lumabas.Nakaupo na ang kaniyang ama't ina at siya na lamang ang hinihintay. Naupo siya at nanalangin ng pasasalamat sa Panginoon bago sila nagsimulang kumain..Wala na naman ibang naging topic ang mag-asawa kundi ang kanilang lupa malapit sa danawan na gustong bilhin ni Don Ramon.naisip niya maliit na lupa lamang iyun subalit pinag-iinteresan ng matanda na bilhin gayung mas maraming mga lupa doon ang malawak at ipinagbibili. "Bakit naman ho ang lupa natin ang nais niyang bilhin?"hindi na nakatiis na sabad niya. "Iyun nga rin ang aking ipinagtataka kung bakit interesado siya sa maliit nating lupain."sagot ng kaniyang Itay. "Eh!baka iyun ang gusto niyang lugar ang malapit sa danawan." "Kahit na,nakakapagtaka pa rin.."naiiling na wika ng kaniyang Itay."ngunit wala akong balak na ibenta iyun sa kaniya." "Bakit naman?kung sa malaking halaga naman niya bibilhin.." "Mang,iyun na lamang ang masasabi nating ari-arian,kapag ibinenta natin iyun,saan pa tayo kukuhan ng lupa na mapagtatamnan ng mga ating pananim.". "Nakakahiya naman kay Don Ramon kung hindi natin mapagbibigyan gayung binigyan ka niya ng lupang sinasaka." "Mang,hindi ko naman hiningi sa kaniya ang lupang sakahan at saka kawang-gawa niya iyun sa tagal ko na ring naninilbihan sa kanila.." "Maski na..." "Hindi ko pa rin ipagbibili ang lupa kahit malaki ang utang na loob ko sa kaniya,.mahalaga din sa akin ang lupang pinag-iintersan niyang bilhin." Napailing na hindi na lamang umimik ang kaniyang ina at ipinagpatuloy lamang ang pagkain. Nakahiga na siya sa kama ay hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang pinag-uusapan kanina ng kaniyang Itay at Inay..kahit man siya ay nahulog sa malalim na pag-iisip kung bakit interesado si Don Ramon sa maliit nilang lupain iyun..Ano kaya ang pinaplano nito sa lupa kung bakit gusto nitong bilhin.. Hay!bakit ba niya pinagkakabalahan isipin iyun ay wala naman siyang pakialam sa bagay na iyun..Hindi dapat niya problemahin ang bagay na hindi naman dapat pinoproblema,ang kaniyang Itay pa rin naman ang masusunod kung nais ba nitong ipagbili ang lupa o hindi.. Kaya minabuting ipinikit na lamang niya ang mga mata dahil kailangan niyang matulog ng maaga sapagkat may pasok pa siya bukas.Medyo may kalayuan din naman ang kanilang paaralan kaya hinahatid na siya ng ama at ayaw naman niyang maghintay ito sa sapagkat marami din naman itong gawain tuwing umaga. Minsan ay nakakaramdam na rin siya ng awa sa kaniyang ama dahil wala na itong inatupag kundi ilaan ang oras sa pagsasaka at pagtatanim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD