Isa siya sa mga estudyanteng palaging maagap dumating sa school,mabuti rin naman iyun para may oras pa siyang magtungo sa library para makapag-aral..Kapag wala din lang naman silang pasok sa ibang subject ay doon din niya sa library ginugugol ang kaniyang oras,kaya naman minsan ay hindi na sumasama sa kaniya ang kaibigan si Lena dahil bagot na bagot ito kapag nasa loob ng library kaya naman hinahayaan na lamang siya nitong mag-isang pumunta ng library.Hindi rin naman niya pinipilit na samahan siya ng kaibigan dahil mabuti naman ito ay mayroon internet sa bahay nila at pupuwede itong mag-aral kahit na anong oras..
Samantalang siya mas marami ang oras niyang mag-aral sa school kaysa sa kanilang bahay sapagkat marami din naman kasing nakaatang na gawain siya pagdating sa bahay at hindi naman pupuwede na hindi niya tulungan ang kaniyang ina..
"Sabi ko na nga ba nandito ka,"
Napangiti siya ng makita ang kaibigan na si Lena..tumabi ito sa kaniyang kinauupuan.
"Alam mo naman kung saan lang ako hahanapin,ito lang naman ang lugar sa school na puwede kung puntahan."
"Masyado mong sinusobsob ang sarili mo sa pag-aaral,wala ka ng oras kahit man lang pasayahin ang araw mo.."
"Masaya naman ako ah!mukha ba akong malungkot?"
"I mean,huwag naman puro aral besh,magrelax ka naman paminsan-minsan."
"Alam mo naman ang reason ko hindi ba?malapit na ang exam natin kailangan ko mag-aral ng mabuti para sa pamilya ko."
"Alam ko naman yun no!"
"Saka ngayon lang naman to,after exam hindi na ako masyadong busy may time na tayo ulit.."
Napalabi ito..
"Ano pa nga ba,wala naman akong ibang kaibigan na puwedeng hilahin kapag gagala ako,ikaw lang naman ang nagtitiyaga sa akin."
"Ano ka ba?tumigil ka nga sa kadramahan mo.."
Mabait naman ang kaibigan niya,iyun nga lang ay masyadong mababa ang kumpiyansa nito sa sarili kaya bukod tanging siya lamang ang kaibigan nito dahil mahiyain ito at hindi mahilig makihalubilo sa iba nilang classmate.Hindi katulad niya na lahat ay kaniyang kinakaibigan dahil masaya kapag maraming kaibigan at kahit anong paghihikayat ang gazin niya kay Lena na subukan rin nito makipagkaibigan rin sa iba ngunit tíntalo talaga ito ng hiya.Palagi lamang ito nasa isang tabi nakaupo at may sariling mundo at kapag naman hindi ito sumasama sa kaniya kapag pumupunta siya ng library ay nasa isang sulok lamang ito sa plaza ng school at naglalaro sa cellphone nito at iyun ang pampalipas nito ng oras habang hinihintay siya na lumabas ng library.
Mabuti na lang pala at nakapagreview siya dahil biglaan nagbigay ng pre_exam ang kanilang guro na si Mrs.Abad..at naginh easy lamang sa kaniya ang test na iyun dahil siya pa ang pinakaunang natapos..Matagal na nga siyang tapos ngunit ang kaniyang mga kaklase ay nangangamote pa rin ang mga ito sa pagsagot..
"Ikaw na talaga,TAnya!bilib na ako sa talino mo."wika ng isa niyang kaklase
"Nag-aral lang ako kaya alam ko.."aniya.
"Gayahin mo kasi si Ms.Mendez may oras sa pag-aaral,hindi iyung walang ibang inatupag kundi ang maglaro ng online games."ani Mrs.Abad na pinandilatan ang kaniyang kaklase.
Napakamot ito sa ulo.
"Mam,naman..."
"Oh!bakit?hindi ba totoo naman ang sinabi ko,kung nag-aral kayo ay di katulad din kayo ni Ms Mendez na madaling natapos dahil nag-aral at may alam."
"Ang hirap naman kasi,Mam.."
"Walang mahirap kapag nag-aral ka...puro ka reklamo Mr.Ruiz.Okay class,I will give you five minutes to finish."
Tama naman ang kanilang guro wala naman talagang mahirap kung mag-aaral lang talaga,at walang madali na hindi mo muna kailangan paghirapan..Syempre naghirap din naman siya sa pag-aaral no!
At dahil nga nalalapit na ang kanilang exam ay maraming activities silang tinapos sa school kaya naman lagpas mag-aalas singko ng hapon sila nakalabas ng school.
Napakunot-noo siya ng hindi nakita ang tryckle ng ama sa labas,bakit kaya?dati-rati naman ay nasa labas na ito ng gate at naghihintay pero bakit ngayon ay wala..
"Paano yan besh,mauna na ako sayo.."paalam ni Lena."hihintayin mo pa ba si Tatay Maximo."
Tumango siya..
"Sige na,mauna ka na."
Ilang minuto pa siyang naghintay sa kaniyang ama ngunit hindi pa rin ito dumarating kaya nagdesisyon na siyang sumakay ng ibang tricycle,kaso nga lang ấy hindi naman dumidiretso sa may gawi sa kanila kaya mapipilitan siyang maglakad pauwi.Isa pa iyun sa mahirap sa kaniya kapag hindi siya nasusundo ng kaniyang Itay dahil lalakad pa siya ay medyo may kalayuan pa naman bago siya makarating sa kanilang bahay lalo at medyo papadilim na dahil mahigit alas sais na ng hapon..
Napapitlag siya ng marinig ang pamilyar na businang iyun,napahinto siya sa paglalakad at medyo nasilaw pa sa head light ng sasakyan.
"Get in the car."
Wala ng patumpik-tumpik na sumakay siya ng sasakyan ng makilala niya kung sino ang nagmamaneho,mabuti na lamang at napadaan ito kaya medyo nawala ang kaba sa kaniyang dibdib.
"it's quite dark..it's dangerous for someone like you to come home at late hour"
"Ah!!marami kasi kaming tinapos na activity sa school kaya medyo ginabi na ng uwi.."sagot niya.
"I see.."
Gusto sana niya ulit pagsawain ang kaniyang mga mata sa pagtitig sa gwapo nitong mukha kaso nga lang baka mahuli na naman siya nitong nakatitig.Nakakahiya na baka isipin nito masyado siyang hantaran magpakita ng moves sa isang lalake..hoy!anong moves ang pinagsasabi mo,tumigil ka sa malikot mong pag-iisip,kastigo niya sa kaniyang sarili.
"Mabuti na lang napadaan ka,pasensya kana..ku..kung nakisakay ako ulit."
"No problem..my way is also there.."
Oo nga naman..wala naman itong dadaanan pauwi ng hacienda kundi yung daan pauwi rin sa kanilang bahay.Napakabaritono naman ng boses nito,lalakeng-lalake talaga ang dating..
Siguro ang sarap nitong maging boyfriend.,iyung tipong kapag kasama mo ito wala kang iisipin pangamba kasi pakiramdam mo safe na safe ka sa mga bisig nito..
May girlfriend na kaya ito?siguro!kasi sa gandang lalake nito imposible naman wala itong girlfriend.siguro maraming babaeng nagkandarapa rito.At seguro din ay papalit-palit ito ng girlfriend at hindi malayong ganuon nga..Ouch!hala!bakit may pa-ouch?nasaktan ka?Stop it,Tanya!
saway niya sa sarili..
"You are here.."
"Huh"
Nasa tapat na pala sila ng kanilang bahay ng hindi niya namamalayan..masyadong nalibanh ang kaniyang utak kaiisip kung may girlfriend na ito..
"Salamat."
Tumango lamang ito at umalis na rin.