Nag-aabang na ang kaniyang Inay sa may tarangkahan ng kanilang bahay at sigurado siyang sadya talaga siya nitong hinihintay lalo at medyo may kadiliman na nga ang paligid.Tiyak na nag-aalala na ito dahil ginabi na rin siya ng uwi,nagkataon naman kasi na marami pa silang tinapos na activity tapos hindi pa siya nasundo ng kaniyang Itay.Kaya mabuti na lang rin talaga na muli siyang natiyempuhan ni Gwapo dahil kung hindi baka hanggang ngayon ay naglalakad pa rin siya pauwi ng bahay.
"Mano ho,Inay.."aniyang inabot ang kanang kamay nito.
"Mabuti naman at nakauwi ka na,kanina pa ako nag-alala sayo."anito.
"Nasaan nga ho pala ang Itay,bakit hindi ho niya ako nasundo."
"Nakow,sinumpong naman ang kaniyang tricycle at hindi na naman umandar,nag-aalala na nga kami sayo at gabi na ay wala ka pa."
"Ah,mabuti nalang ho at may nagmagandang loob na pinasakay ako ng kaniyang sasakyan at isinabay na ako pauwi."
Napakunot-noo ito.
"Eh!sino naman iyun?wala naman may sasakyan dito sa atin.Huwag ka basta basta magtitiwala lalo na at hindi mo pa naman kilala."
Natigilan siya sa tinuran ng kaniyang ina,bakit nga ba agad siyang nagtiwala sa taong iyun ay hindi naman niya ito kilala..Basta ang alam lamang niya ay nasa hacienda ito ni Don Ramon nakatira ngunit hindi naman niya alam ang totoo nitong pagkatao at kung sino ito?bakit nga ba ang bilis niyang nagtiwala sa lalakeng iyun,gayung ultimo pangalan nito ay hindi niya alam..
Bigla ang kaba sa kaniyang dibdib,baka naman masamang tao ito at pinasasakay lamang siya at sa bandang huli saka lalabas ang tunay nitong kulay..But hindi naman iyun ang nararamdaman niya sa ilang beses na nakatagpo niya ito,kanina nga di ba?mukhang concern pa ito ng sabihin nitong delikado sa isang katulad niya ang umuwi ng ganitong oras at nagmagandang loob pa ito na pasakayin siya.Pakiramdam naman niya ay mabuti itong tao at hindi naman masama katulad ng pumasok sa isip niya kanina,nadala lamang siya dahil sa sinabi ng kaniyang ina..
"Inay,dun ho sya nakatira sa hacienda.."
"Sa bahay ni Don Ramon?"gulat na tanong nito.
"Opo."
Medyo natigilan ito at napaisip..
"Hindi kaya dumating na ang kaniyang apo na galing Stets.."
"Stets?baka ho States.."pagtatama niya sa sinabi ng ina.
"Nakow!parehas lang iyun..magkasingtunog din naman.'
Natawa siya ng bahagya..
"A..ang ibig ho ba ninyong sabihin may apo si Don Ramon na galing States?"
"Ah..yun ang pagkakaalam ko,ang sabi kasi ng mga kasambahay doon ay magbabakasyon sa hacienda ang apo nito na galing sa Stets.."
Napailing na lamang siya sa pagkakabigkas ng kaniyang ina kahit itinama niya ang tamang pagbigkas sa salitang States.
Hindi kaya ang tinutukoy ng kaniyang ina ay ang lalakeng ilang beses na niyang nakaencounter,kasi english speaking ito at pupuwedeng lumaki ito sa ibang bansa..Hindi kaya ang lalakeng iyun ay ang apo ni Don Ramon.
"Hindi mo ba naitanong kung sino siya?"
Umiling siya..wala siyang lakas ng loob na tanungin ito kung anong pangalan at bakit ito nakatira sa bahay ni Don Ramon.Nakakahiya no!baka naman isipin nito ay masyado siyang atat na malaman kung sino ito..
"Eh!bakit hindi mo tinanong..naku!ikaw na bata ka..mamaya hindi pala iyun ang apo ni Don Ramon at ginawan ka ng masama."
Huh!bakit kapag apo ba ni Don Ramon hindi siya gagawan ng masama,paano naman nakakasiguro ang kaniyang Inay..kunsabagay!kung ang lalakeng iyun ay ang apo ni Don Ramon siguro naman mapagkakatiwalaan ito at hindi naman gagawa ng masama..Mukha naman itong mabuting tao kahit na medyo may pagkasuplado,iyun kasi ang unang impression niya rito kahit pa sabihin na bahagya naman siya nitong kinakausap..
"Hayaan nyo ho sa susunod kapag nagkita kami ay tatanungin ko na ho!"
"Aba!at umaasa ka pa talaga na magkikita kayo,Ako nga ay tigil-tigilan mo Bella,hindi mo nga kilala kung sino ang taong iyun."
Oo nga!bakit tila ang lakas ng kumpiyansa niya na magkikita pa silang muli ng lalakeng iyun..Umaasa ba siya?Hello?Hindi naman kasi malayong mangyari na magkita silang muli dahil sa hacienda lang naman ito nakatira,kung susuwertehin na muli silang magtagpo...
"Oh!nandito ka na pala,anak..pasensya kana at hindi na kita nasundo hindi na naman umaandar ang tricycle natin."anitong kapapasok lang ng bahay.
Nagmano siya sa kaniyang ama.
"Okay lang ho!safe naman po akong nakauwi..may nagmagandang loob po na pinasakay ako ng kaniyang sasakyan,sa may hacienda naman po kasi ang kaniyang tungo."
"Aba'y sino naman ang may butihing puso na iyun anak?mabuti na lang at isinabay ka pauwi."
"Hindi ko ho siya kilala,Itay..pero ang alam ko sa hacienda siya nakatira."
"Aba ay sino kaya iyun?"napakunot-noo ito.
"Baka nga iyung apo ni Don Ramon.."
"Ah!maraming apo si Don Ramon...kaya lamang ay sa ibang bansa ang mga ito nagsipaglaki kaya halos wala akong matandaan isa man sa mga apo ni Don Ramon,tanging mga anak lamang nito ang aking kilala."
"Magbihis kana anak at maghahanda na ako ng hapunan natin,para naman makapagpahinga na rin kami ng Itay mo..Maraming ginawa kami sa bukid ngayong maghapon at sadya naman talagang nakakapagod."
"Sige ho"
Nagbihis lamang siya at tinungo na ang kusina..
Matapos kumain ay siya na ang nagligpit at naghugas ng kanilang pinagkainan...hindi na niya inaaasa pa sa ina ang mga gawaing bahay lalo na at pagod din naman ito..kaya siya na ang umaako ng mga gawaing bahay kapag wala lamang siyang pasok o hindi naman kaya ay pagkagaling niya ng eskwelahan..Kung tutuusin naman ay hindi naman nakakapagod maglinis ng bahay dahil hindi naman iyun kalakihan..Minsan nga ay hindi man lamang tumulo ang kaniyang pawis kapag naglilinis siya ng bahay..kasi naman ay wala naman batang paslit para magdumi at magkalat.Kumbaga,pagpag lang ng alikabok at magwalis ng sahig para namimaintain ang kalinisan ng bahay kahit hindi araw-arawin ang paglilinis.
Matapos niyang magligpit at maglinis ay tinungo na rin naman niya ang kanilang silid ni Samantha na ngayon ay siya lang muna mag-isa sa silid na iyun sapagkat wala naman ang kaniyang Ate..sa susunod na linggo pa ito uuwi.
Hindi pa naman siya inaantok kaya kinuha ang libro at nagbasa-basa,nakailang pages ng libro muna ang naubos niyang basahin bago siya nakaramdam ng antok..
Iniligpit ang libro saka nahiga na rin siya sa kama upang matulog..Maaga pa siyang gigising kinabukasan.