Kabanata 7

1000 Words
Ilang araw ng inaabangan ni Tanya ang tunog ng sasakyan na ginagamit ng lalakeng ilang araw na rin na lumilipad sa kaniyang isipan..hindi niha maunawaan sa kaniyang sarili kung bakit hinahanap-hanap niya ito at nagbabakasakaling magkita silang muli ngunit ilang araw na siyang bigo at hindi man lang marinig ang ugong ng wrangler jeep nito. Pakiramdam niya ay may bahagi sa kaniyang puso ang nalulungkot dahil hindi na niya nakikita ang lalake.Ano ba ang nangyayari sa kaniya?hindi kaya ay may kakaiba na siyang nararamdaman sa lalakeng iyun. Oo na!inaanmin niya na nagka-crush na siya sa lalakeng iyun,,sino ba naman ang hindi para itong bida sa isang telenovela na perfect guy na nakakakilig. "Hoy,Tanya,naririnig mo ba ako?Aba'y kanina pa ako salita ng salita rito ay hindi ka naman pala nakikinig." "Inay,"gulat na bulalas ni Tanya ng maramdaman ang malakas na tapik ng ina sa kaniyang balikat."ka-kanina pa ho ba kayo?" "Aba'y oo."mulagat są kaniya ni Aleng Rhoda."para ka lamang bingi na hindi ako naririnig,ano ba ang nagyayari saiyo?hindi ba maigi ang pakiramdam mo?" "Ho!ah,hindi ho..o-okay ho ako Inay." "Nakow na bata ka,"anito."kung okay ka eh,bakit parang estatwa riya na hindi makausap." Napaismid si Tanya ayun na naman ang kaniyang Inay sa salitang 'bata'kailangan ba marerealize nitong hindi na nga siya bata,Ang kulit din naman ng kaaiyang Inay eh! Kung maaari lamang niyang hugutin o hilahin na ang taon para maging labing walong taon gulang na siya ng sa gayun ay maging isang ganap na dalaga na siya..Isang guhit na lang sa kaniyang edad at magiging isang ganap na siyang dalaga subalit kung ituring pa rin siya ng kaniyang ina ay isang batang paslit. "Papasensya na ho,iniisip ko lang ho ang exam namin sa lunes."pag-aalibi niya sa kaniyang ina. Alangan naman sabhihin niya rito na nalulumbay siya sapagkat hindi niya nakikita ang kaniyang crush.Eh,di baka hindi lang tapik sa kaniyang balikat ang ginawa nito kundi baka binatukan pa siya nito at katakot-takot na pagtatalak ng bunganga nito ang marinig niya mula sa kaniyang ina. "Oh!sya,ihatid mo itong pananghalian ng iyung Itay sa may danawan dahil hindi ako makakapunta doon,may pupuntahan kami ni Aleng Maring sa bayan. at may inuutos sa amin si Don Ramon." Napakunot-noo si Tanya at kilan pa naging aktibo ang kaniyang ina sa mga ipinag-uutos ni Don Ramon.Himala!at maging kay Aleng Maring ay nawiwili-wili na itong sumama gayung dati naman ay tamad na tamad ito kapag niyaya ni Aleng Maring pero ngayon ay aktibo naman ata itong masyado.Anong nakain ng kaniyang ina?gusto niyang isipin na sumisipsip ito kay Don Ramon kaya ganun na lamang ito ng mga nakaraan araw.Masyado na itong aktibo sa pagpupunta sa hacienda at palagi na rin itong kasa-kasama ni Aleng Maring. Hays!napakibit-balikat na sumunod na lamang siya sa tos ng ina na kinuha niya sa ibabaw ng mesa ang inihanda nitong pagkain para sa kaniyang Itay. Nakangiting kinawayan niya ang kaniyang Itay na nasa may kalayuan sa itinayo nitong maliit na kubong sadya nitong ginawa upang gawin pahingahan. Napakasarap talagang pagmasdan ang mga nagbeberdehana mga puno at halaman sa paligid lalo na ang ihip ng sariwang hangin na dumadapyo sa kaniyang mga balat..kung papipiliin siya mas gugustuhin niyang manatiling manirahan sa probinsya dahil bukod sa tahimik na ay pawang sariwa pa ang makikita mo sa kapaligiran.. Subalit may pangarap siya para sa kaniyang mga magulang kaya hindi niya masasabi ang kaniyang kapalaran,hindi niya gustong manatili na lamang sa probinsya na hanggang doon na lang ang kanilang pamumuhay.Hindi niya gugustuhin na habambuhay na lamang ay isang hamak na magsasaka ang kaniyang ama. Mataman niyang pinagmamasdan ang ama habang papalapit ito,masyado ng sunog ang balat nito gawa ng palagi na lamang nasa ilalim ng kalagitnaan ng araw,kundi man nag-aararo ay nagtatanim ng palay at mga gulayin.Wala na itong pahinga sa ara-araw maitaguyod lamang ang kaniyang pag-aaral at kahit minsan ay hirap na hirap ito ay pinipilit pa rin ng kaaiyang ama.Awa ang humaplos sa kaniyang puso para sa kaniyang ama at masasabi niyang ito na ang pinakada-best na ama sa bourg mundo dahil nakikita niya kung gaano ang pahihirap at sakripisyo na ginagawa nito para sa pamilya. Nahahapong naupo ito at inalis ang suot na salakot sa ulo,kinuha ang nakasampay na maliit na bimpo saka nagpunas ng pawis sa mukha. Kaagad na inilabas niya sa basket ang dala-dalang pagkain,marami ang ipinadalang pagkain ng kaaiyang ina dahil hindi pa rin naman siya kumakain pag-alis niya ng bahay at saka para may kasalo na rin ang kaniyang ama. Ginataang adoring manok na may sahog ng papaya ang nilutong ulam ng kaaiyang ina,nagmamantika pa iyun sa gata..Tiyak na mapaparami naman ang kain niya nito kapag ganuon ang mga lutong ulam ng kaniyang Inay. "Nakapunta na ba sa bayan ang iyung ina?"talong ng kaniyang ama. "Pag-alis ko ng bahay ay naandoon pa,ho."aniya. Ipinagsandok niya ang ama saka ibinigay rito. "Itay,napapansin ko nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ata ang Inay sa pagpunta-punta ng hacienda at pagsama-sama kay Aleng Maring?"hindi na nakatiis na wika ni Tanya..sapagkat nagtataka na talaga siya gayung hindi naman iyun dating ginagawa ng kaniyang ina. "Pinakiusapan daw kasi sya ni Aleng Maring na siyang humalili muna kay Sonia habang wala ito,kaya ang Ina mo muna ang katu-katulong ni Aleng Maring sa hacienda." Napatango-tango siya at hindi na nag-usisa pa,ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkain.Matapos nilang kumain ng kaniyang ama ay iniligpit niya ang kanilang pinagkainan at diretso na rin hinugasan bago ibinalik sa basket. "Hindi ka pa ba uuwi?"tanong ng kaniayng Itay na muling isinuot ang salakot. "Hindi pa ho,sasabay na ako sainyo pag-uwi." "Mamayang hapon pa ako uuwi baka mainip ka rito." "Itay,kailan ba ako nainip rito tsaka tutulungan ko kayo habang naghihintay ako sainyo." "Hindi na at kaya ko na ito,matulog ka para lumaki ka pa,masarap matulog dito at presko." "Hindi ko na ho kailangan pa na magpalaki."Aniya."saka mamaya na ho kayo bumalik sa ginagawa nyo at medyo matirik pa ang araw." Napatango naman na sinunod nito si Tanya. Nang hindi na masyado ang tirik ng araw saka nagtulong ang mag-ama sa pag-ani ng mga gulayın.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD