Kabanata 8

1000 Words
Sa Hacienda Luisita,sa loob ng Mansion ay naroon ang mag-apo na sina Don Ramon at Tyrone. Kinakausap nito ang kaniyang apo dahil mamayang gabi ay magkakaroon ng handaan para sa welcome party ng kaniyang apo at upang ipakilala na din ito sa kaniyang mga tauhan.Ngunit mahigpit na tumutol si Tyrone sa desisyon ng kaniyang Lolo kaya hindi magkasundo ang dalawa. "Lo,alam mo naman na ayoko ng mga party-party na iyan."aniya na tinututulan ang mga sinasabi ng kaniyang Lolo. Hindi man lamang siya nito tinanong kung papayag ba siya sa kagustuhan nito at basta na lamang ito nagdesisyon ng hindi niya nalalaman. "Apo,hindi naman ito party kundi isang maliit na handaan lamang." Maliit na handaan pa bang matatawaag iyun?Napalatak ssi Tyrone,animo'y isang pistahan na nga ang magaganap eh,sapagkat hindi basta lang ang ginawang paghahanda ng kaniyang Lolo. "Bakit naman kasi Lo,kailangan ninyo pa akong ipakilala." "Isa kang Del Valle at dapat na makilala ka nila bilang isa sa mga tagapagmana ng mga Del Valle." "Lo,hindi na ho kailangan pa..kahit hindi kayo mag-abala ay makikilala pa rin nila ako." "Gusto kong pormal na ipakilala ka sa kanila kaya nakapagdesisyon na ako." "But Lolo alam nyo naman hindi ako sasang-ayon sa kagustuhan ninyo." "Hijo,hindi ko hinihingi ang pagsang-ayon mo,ipinapaalam ko lang sayo para makapaghanda ka mamaya,baka kasi bigla kang umalis ng hindi ko nalalaman." Napabuntong-hininga si Tyrone,nakapagdesisyon na pala ito ay bakit pa siya nito kinausap kung wala rin naman magagawa ang kaniyang pagtututol.At saka kahit naman siguro tumanggi pa siya ay wala na rin naman mangyayari dahil punong-abala na ang mga tao sa labas para sa handaan mamaya na pinagplanuhan ng kaniyang Lolo at kung anuman ang desisyon nito ay hindi naa mababali pa.Kaya no choice siya kundi ang sumunod na lamang sa kagustuhan nito na ipaakilala siya bilang isa sa mga haciendero ng Hacienda Luisita. Ilang araw pa lamang simula ng dumating siya sa hacienda ay iyun na kaagad ang inuungot ng kaniyang Lolo ngunit hindi naman niya ito binibigyan ng pansin dahil hindi niya gusto ang mga ganuon klase na handaan at wala siyang hilig dahil para sa kaniya ay isa lamang iyun abala at pag-aaksaya ng oras.Para saan ba at kailangan pa na mag-abala gayung ipapakilala lang naman at hindi na kailangan pa na tila may isang pistahan.Oo,proud sa kaniya si Lolo Ramon at alam naman niya iyun saka naapreciate naman niya ngunit maaari naman iyun gawin na simple lang at hindi na todo bongga.Kahit naman sabihin na isa siyang Del Valle ay ayaw naman niyang magyabang para sa kaniya tama ng makilala siya ng maa tauhan sa hacienda sa paraan na hindi na kailangan pa na mag-effort ang kaniyang Lolo dahil pati siya ay aabalahin pa nito.Paara sa kanıya ay isang abala lamang iyun. "Okay,may magagawa pa ba ako."pagsuko na lamang niya,hindi na siya makikipagtalo pa sa kaniyang Lolo kung ito din lang naman ang palaging panalo. "That's my man."nangingiting wika nito."Maiwan muna kita at titingnan ko ang mga tauhan sa labas kung anu pa ang mga dapat na kakailanganin." Nagkibit balikat lamang si Tyrone bilang sagot tutal ito naman ang may kagustuhan ng lahat.. Masayang nagkukuwentuhan naman ang mga tauhan ni Don Ramon habang abala ang mga ito sa pagluluto ang bawat isa ay may kaniya-kaniyang mga gawain. "Ang sarap maging isang Del Valle,"biro ng isang tauhan."biruin mo ipakikilala ka lang para ng pistahan." "Naku!Simon,umandar na naman ang pagiging ilusyunado mo."pabiro naman wika ng isa. "Oo nga no,kung sâna lâng ipinanganak tayong mayaman."wika naman ng isa. "Tumigil nga kayo,magpasalamat tàyo dahil kahit mahirap lamang tayo ay maraming biyaya pa rin ang dumarating sa atin." "Tama!yung kumakain tayo ng tatlong beses sa isang araw ay ipagpasalamat na natin." Natigil są pagkukuwentuhan ang mga ito ng makita ang papalapit na si Don Ramon. "Magandang araw po Don Ramon.."halos sabay sabay pa na wika ng mga ito. "Oh!kumusta kayo dyan?"tanong ni Don Ramon."Okay na ba ang lahat wala na bang kailangan pa?" "Wala na ho Don Ramon,maayos naman ho ang lahat." "Mabuti naman kung ganun."anito."paano magpasabi nalang kayo kapag may kailangan at ako'y babalik muna sa loob." "sige ho." Ipinagpatuloy pa rin ng mga ito ang pagkukuwentuhan ng makaalis na si Don Ramon. Samantala ay nakaramdam naman ng pagod si Tanya pagkauwi nila ng kaniyang Itay sa bahay dahil medyo nakakapagod din naman ang maglakad saka matapos nilang mag-ani ng mga gulay ay tinulungan pa niya ang kaniyang Itay na magdamo kaya medyo inabot na rin talaga sila ng magtatakip-silim. Wala pa rin ang kaniyang Inay sa bahay. "Itay,bakit hindi pa umuuwi ang Inay?"may pagtatakang tanong niya sa ama. "Aba ay hindi ko alam.."sagot nito na rumihistro sa mukha ang pag-aalala."bakit nga kaya? Bakit kaya?Ano ba ang pinagkakabesihan nito at ni Aleng Maring dahil dapit hapon na ay wala pa rin ang kaniyang Inay at ngayon lamang nangyari ang ganito.. "Hindi ho nati alam kung nakauwi na ba siya galing sa bayan," "Ang mabuti pa ay puntahan ko sa bahay nina Aleng Maring para malaman natin." "Itay,ako na ho,pagod na kayo,dito na lamang kayo at ako na ang pupunta kina Aleng Maring." "Pe_pero anak_"hindi na naituloy pa nito ang anuman sasabihin ng biglang iniluwa ng pintuan si Aleng Rhoda. "Inay,ba..bakit nagyon lang ho kayo?nag-aalala na kami ng Itay." "Natatapos pa lamang kasi ang mga gawain sa hacienda kaya hindi ako nakauwi kaagad."wika nito na naglagay ng isang basong tubig saka uminom.. "Ay bakit ano ba ang pinagkakaabalahan ninyong gawin sa hacienda?ay hindi ba lahat naman ng katulong ni Don Ramon ay may kaniya-kaniyang toka sa gawain."ani Maximo. "Oo nga,busy talaga ang lahat dahil may pa-party si Don Ramon,alam mo naman yung matanda kapag may handaan sa hacienda akala mo may pistahan na." "Kunsabagay,nakagawian na kasi yan ni Don Ramon noon pa man, para sa kaniya ay gusto rin naman niyang makalasap ng kasiyahan ang kaniyang mga tauhan kahit sa pamamagitan na lamang ng paagkakain niya at pinaghahandaan talaga niya iyun." "Kaya magpahinga na kayong dalawa dahil mamaya-maya lang ay pupunta tayo sa hacienda para dumalo,ang lahat naman ay imbitadong pumunta."anito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD