Puno ng excitement ang naramdam ni TAnya ng malaman na pupunta sila sa hacienda ni Don Ramon upang dumalo sa imbitasyon nito.Hindi niya alam kung ano ang okasyon basta ang sabi ng kaniyang Inay ay inaanyayahan ni Don Ramon ang lahat ng mga tauhan at dating tauhan nito sa hacienda para sa isang handaan.Maaga pa lamang ay gumayak na siya upang hindi sila mahuli sa pagpunta sa hacienda,at sa pagkakataong iyun ay siniguro niya na maganda siya bago nilisan ang harap ng salamin.
"Aba!ngayon lang ata nangyari na hindi kami nabagot ng iyong Itay sa paghihintay sayo."wika ng kaniyang inang bihis na bihis rin katulad niya,hindi rin ito nagpahuli sa suot nito dahil hinalungkat pa sa baul ang pinakatago-tagong damit na pang pustura talaga nito at mukhang pinaghandaan nilang mag-ina ang gabing iyun huh,na akala mo ay sila ang star of night sa awrahan nila ng kaniyang Inay.
"Halina kayong mag-ina."
Mabuti na lang at nakisama ang kanilang tryckle sa gabing iyun dahil kung hindi tiyak na maglalakad sila patungong hacienda at baka bago man lamang sila makarating doon ay mukhang haggard na palaka na ang kaniyang hitsura kung nagkataon,kaya marunong talagang tumayming ang kanilang tryckle,para bang may isip na kapag sa mga okasyon na may dadaluhan sila ay hindi ito nasisira.
Napangiti si Tanya sa isiping parang magic tryckle ang tryckle ng kaniyang ama.
Marami-rami na rin ang mga bisita sa hacienda pagdating nila kagya't na inilibot niya ang paningin,maraming mga pagkaing nakahain sa mahabang mesa at hindi lang iyun basta pagkain na lang dahil talaga naman nakakatakam sa tingin pa lang..Ngunit hindi iyun ang kaniyang interes kundi may ibang hinahanap ang kaniyang mga mata..
"Nandito kaya sya."bulong ni Tanya sa kaniyang sarili..
Iyun naman talaga ang dahilan kung bakit sumama siya sa mga magulang sa pagbabakasali na muli niyang makita ang lalakeng hindi niya alam kung bakit palagi na ay umaasam siyang makita sa araw-araw kaya lamang ay bigo siya na mangyari iyun dahil ilang araw na ngunit kahit ugong ng sasakyan nito ay hindi niya naririnig na dumaan.
"Pupuntahan ko lang si Aleng Maring para tulungan,kung nagugutom ka kumain ka na lang pero huwag kang masyadong lalayo sa amin ng Itay mo."
Tumango siya sa winika ng ina.
Hindi pa naman siya nagugutom saka wala sa isip niya ang pagkaın kundi nasa lalakeng inaabangan niyang lumabas sa okasyon na iyun.Umaasa siya na mali niya itong makikita.
Bigla ang kabog ng kaniyang dibdib ng makita si Don Ramon na lumabas kasunod ang lalakeng kanina pa hinahanap ng kaniyang mga mata..Oh my!napakagwapo nito sa suot,kahit simple lang ngunit ang lakas pa rin makahatak ng dating nito.Hindi siya nabigo na makita ito.
Nagsilapitan ang mga bisita ng magsimulang magsalita si Don Ramon,nagmamadaling nakipagsiksikan naman si Tanya sa karamihan at pinilit na makapunta sa unahan upang masilayan niya ng malapitan ang lalake.
Tama ang kaniyang Inay na isa ito sa mga Apo ni Don Ramon na galing America ng ipakilala ito ng matanda,at pawelcome party pala iyun para sa apo nito.Hmm..Tyrone pala ang pangalan nito,ngayon alam na niya ang ngalan ng lalake.
Habang nagsasalita ito ay wala naman kakurap-kurap na pinakatitigan ni Bella ang lalake,gusto niyang maiguhit ng maayos sa kaaiyang isipan ang bawat parte ng katawan nito..Mula ulo hanggang paa ng sa gayun kahit hindi niya ito makita ay nakaukit na sa kaniyang isipan ang hitsura nito.
Hay!napakagwapo talaga!ninanamnam niya ang tinig nito habang nagsasalita ngunit nasobrahan ata siya sa pagnamnam dahil tanging siya na lamang ang naiwan sa kalagitnaan ng bakuran dahil pawang abala na ang mga bisita sa pagkuha ng pagkain..
Hindi namamalayan ni Bella na mag-isa na lamang pala siya sa gitna at parang tanga na nakapikit at nakahalukipkip,naiwan siyang tila nililipad sa alapaap.
Isang malakas na batok sa ulo ang nagpagising kay Tanya.
"Nay!"nagulat na bulalas naya ng akita ang ina.
"Anong nagyavari sayong bata ka,dahil para kang sira saa ginagawa mo dito sa gitna ng bakuran."sita ng kaaiyang ina.
"Ho?"gulat siya sa sinabi nito saka inilibot ang mga mata..
Nakita niyang busy na sa pagkuha ng pagkain ang mga bisita at yung iba naman ay sa kaniya nakatingin na tila pinipigil ang mga sarili na hindi matawa at isa na sa mga nakatingin na iyun ay si Tyrone.
Nakita niya ang nakakunot-noo nito habang nakatingin sa kaniyang dako,hindi niya alam kung matatawa ba ito or ano..basta ang lam niya ng mga sandalıng iyun ay tila nahinog na mga kamatis ang magkabila niyang pisngi sa pamumula dahil sa sobrang hiya at kung pwede lang siguro na maglaho na siya ng mga oras na iyun ay kaniya ng ginawa.
"Naaantok ka na ba?"tanong ng kaniyang ina.."Aba'y parang nakatulog kana dito sa gitna."
Napakagat-labi si Tanya hindi niye mawari ang gagawin sa kaniyang katangahan dahil nawala siya panandalian sa animo at nakalimutan na nasa okasyon siya at wala sa bahay para mangarap ng gising.
Bakit ba naman kasi tila isang musika są kaniyang mga pandinig ang boses ni Tyrone,ayan tuloy nakalimot siya at inakalang dinuduyan siya mula sa alapaap habang pinakikinggan ang baritono nitong tinig.
"Ah!Sige na Inay,bumalik ka na sa iyong pagtulong kay Aleng Maring dobon lang ako sa isangu sulok magpapahangin,bi-bigla kasino ang init."Alibi niya sa kaniyang ina na ginawa pa niyang pamaypay ang kamay..pakiramdam niya kasi ay umiinit ang kaniyang mga pisngi sa kahihiyan na kaniyang ginawa lalo na at nakatingin są kaniya si Tyrone.
"Mainit?"nagtatakang tanong nito."anong mainit ang pinagsasabi mo gayung malamig na nga ang dapyo ng hangin sa mga balat ko at saka mahalumigmig na ang gabi lalo na są ganito kapresko bakuran hindi init kundi lamig ang mararamdaman mo."
"Ma..matanda na kasi kayo Inay kaya madali na kayong lamigin."
"Aba!loko ang batang ito ah..ku..kunsabagay,totoo naman ang sinabi ng kaniyang anak,sa katulad niyang may edad na ay tila manípis na ang balat at madali na makaramdam ng lamig,hindi katulad sa mga batang katulad ni Bella na laban pa ang balat nito sa lamig.
"Oh sya,sige..pero huwag kang lalayo."bilin nito
Tumango naman si Bella at nagmamadaling naglakad patungo sa isang sulok ng hacienda.