Chapter seven Sala Katatapos lang kumain ni ate at inay. Si ate ay pumasok na sa kwarto nya. si inay ay umupo sa tabi ko at binuksan ang tv para manuod ng balita. Gumagawa ako ng assignment, nakapaglinis na ako ng katawan kanina, nakadamit na rin ng pajama at maluwang na t-shirt. Wala na rin akong bra. Matutulog na sana ako ng maalala kong may assignment nga pala kami sa values. "Salawahan.."- si inay. "Kumain ka doon! naglabon ako ng itlog at kamote."- Sabi ni inay sakin pero sa tv nakatingin. "Mamaya po inay, tinatapos ko lang po itong assignment ko."- sabi ko. "Naglaro ka kanina, me assignment ka pa pala!"- titig sakin ni inay. "Naaya lang po ni lota."- Sabi ko habang ngatngat ang dulo ng ballpen ko. "Tingnan mo yang nguso mo, me tinta na ng ballpen."- sabi ni inay sabay balik

