Chapter six Social studies subject "Narinig ko, ang grupo daw nina Wangbo na mga outsiders ang pumasok kanina."- classmate ko na lalaki na tadtad ng hikaw sa magkabilang tainga. "Me atraso yata! grupo nina tano." -sagot ng classmate kong lalaki na may mahabang buhok pero nakatali, kaya nakalabas ang parti ng buhok nyang maigsi ang gupit. "Magaling! Tumulac!"-tawag ni ma'am sa dalawa kong kaklase na nag uusap. Tumayo ang dalawa. "Tumulac! Diba sabi ko mag pa haircut ka na! Anong gusto mo ako gugupit sayo?"- Sabi ni ma'am Umali habang nakatingin sa kaklase kong may mahabang buhok. "Bukas po ma'am."- kumamot pa sa ulo si tumulac. "Sabi mo din yan kahapon."- sagot ni ma'am. "Dapat bukas! pagpasok mo, bagong haircut ka na."- si ma'am ulit sa katabi naman ni tumulac tumingin. "Magali

