HINDI tinantanan ni Asher ng tingin si Brandon. Hinihintay niyang bawiin ng assistant ang huling sinabi nito sa kanya. "A-anong pinagsasabi mo?" Bakas ang panginginig ni Brandon dahil sa emosyon na pinapakita ni Asher. "S-Si Mariz ang totoong pumatay kay Diane..." Nakita niya siya sa mga ng lalaki na totoo ang sinasabi nito. Hindi niya lang matanggap. "Sino ang...sino ang nagsabi sa 'yo?" "Si Gibson... Nagkausap kaming dalawa." Unti-unting ibinaba ni Asher ang kanang kamay na pinag-amba niya ng suntok kay Brandon. Dahan-dahan niya ring tinanggal ang mahigpit na pagkakahawak sa kwelyo nito. Doon lang nakahinga nang maluwag si Brandon. Halos sabay silang dalawang napaupo sa malamig at kulay abong tiles ng sahig. Pareho silang hinihingal ngunit halata sa mukha ni Asher ang pa

