DILAT NA DILAT ng mga mata ni Chesca nng marinig niya ang alarm clock na tumunog ng alas singko y media ng umaga. Naunahan niya pa ito dahil hindi siya nakatulog kagabi. Kahit pa anong gulong ang ginawa niya sa bunk bed ay hindi niya makuha ang tamang posisyon para makatulog. "Kasalanan mo 'to, Asher..." Nakabusangot niyang tumayo at nilingon ng bintana. Unti-unti nang sumisilay ang Haring Araw pero ayaw niyang lumabas ng kwarto. "Wala akong mukhang ihaharap sa kanya." Nahiga itong muli at niyakap ang kulay pink na hotdog pillow. "Ano na lang ang sasabihin niya? Easy-to-get ako, ganoon?" Huminga siya nang malalim at mariing isinara ang mga mata. "Bwisit!" Muli siyang umupo at ibinato ang unan na yakap. Pumikit man siya o dumilat, napakalinaw sa alaala niya kung ano ang nangyari

