NAGLILIWANAG ang mga chandelier sa loob ng masyon habang ang mga parol namang pinagawa pa sa Bulacan ang nagniningning sa hardin ng mga Montelumiere. Nakatayo ang napakalaking mansyon ng mga ito sa isang bundok. Kapag gabi ay makikita agad na sa kanila ang malaking bahay na iyon dahil talaga namang maliwanag iyon mula sa malayo. Isa-isang nagsisipagdatingan ang mga personalidad, pulitiko, at kanilang mga kamag-anak na dadalo sa isang napakalaking selebrasyon. Abalang-abala rin ang mga kasambahay at mayordoma sa mabusising paglilinis ng buong bahay. Maski ang mga hired chefs at cooks ay seryosong naghihiwa at naghahalo ng mga putahe na ihahain sa gabing ito. Hindi basta-basta ang mga bisitang naroon kaya naparaming umaaligid na security guards sa buong paligid. Kung sino man ang naka

