Pagkatapos ng mahabang byahe, nakarating kami sa isang masukal na lugar na hindi ko alam kong saan. Dinaramdam ko parin ang mga paa ko na parang wala ng lakas dahil sa pagtakbo namin kanina. Sa gitna ng gubat ay may malawak na lupain nakatayo ang isang mansyon na tila hindi ko mawari—malaki at nakaliliwanag sa dilim ng gabi.
Napahinto ako,habang nakatingin sa gusali. “Dito… ka nakatira?” tanong ko, halos hindi makapaniwala.
Tumango lang sya, malamig ang boses. “Yes. This is my base. My team stays here. It’s the only place I can truly keep you safe.” aniya habang palakad kami papasok.
Pagpasok namin, bumungad ang malawak na hall. Mataas ang kisame, may mga chandeliers na kumikislap, at bawat sulok ay tila may bantay na nakatago. Ang mga hakbang ko ay kumakalabog sa marmol na sahig, at pakiramdam ko ay para akong pumasok sa ibang mundo—isang mundo na hindi ko alam na bahagi na pala ako.
Si Kael ay agad na pumwesto sa pintuan, parang pader na handang humarang sa anumang panganib. Selene ay naglakad sa gilid, sinusuri ang paligid na parang walang nakakalusot sa kanyang mga mata. Orion naman ay agad na pumunta sa isang silid na puno ng mga screen, pinapagana ang mga surveillance system.
"Boss, perimeter secured," narinig kong sabi ni Orion mula sa loob. “Hindi tayo nasundan.”
Tumingin sa akin si Phyr, ang mga mata niya ay puno ng bigat pero may lambing. “You’ll stay here now. With me. With us. No one can touch you here.”
Sa dining hall, nagtipon silang lahat. Si Selene nakaupo, hawak ang mapa ng buong city, ang tingin niya ay matalim at seryoso. At si Kael tahimik na nakatayo sa likod, parang bantay na hindi natitinag. Orion naman ay nakangiti, hawak ang tablet, parang laging may plano.
"We need to plan our next move," sabi ni Selene, malamig at diretso. “They won’t stop. Whoever sent them will try again.”
"And this time," dagdag ni Orion, nakangiti, “we’ll be ready. We’ve got the mansion, the tech, and the muscle. Let them come.”
Napatingin ako kay Phyr. Ang lahat ng ito—ang mansyon, ang mga tao, ang lakas—ay bahagi ng kanyang mundo. At ngayon, ako na rin.
"This is my world, Yera," bulong niya, mababa ang boses. “It’s dangerous… but now, you’re part of it. Sorry, its my obligation to keep you safe...from now on”
At sa sandaling iyon, ramdam ko ang bigat ng lahat. Hindi na lang ito tungkol sa lambing at tiwala. Ito ay tungkol sa laban, sa pagtakas, at sa pagharap sa mga anino ng nakaraan—kasama siya, kasama sila.
•°•°•°•°•°•°
Sa loob ng isang buwan sa mansyon, unti-unti kong nakilala ang bawat isa. Si Kael, tahimik pero laging handang tumulong—minsan nakita ko siyang nag-aabot ng kape sa akin kapag napapansin niyang pagod na ako. Si Selene, matalim ang mga mata pero minsan ay nagiging parang ate, tinuturuan akong magbasa ng mapa at tumawa sa mga simpleng bagay. Si Orion, laging nakangiti, at siya ang madalas magpatawa sa akin kapag sobrang bigat na ng pakiramdam.
At si Phyr…
Isang gabi, habang nakaupo kami sa library ng mansyon, hawak ko ang isang lumang libro na nahanap ko sa shelf. “You read a lot?” tanong ko, nakangiti.
Ngumiti siya, nakatingin sa akin. “Only when I want to escape. Books are safer than the world outside.”
Napatawa ako. “Then maybe I should read more. Escaping sounds nice.”
Sandaling natahimik siya, saka dahan-dahang nagsalita. “You don’t have to escape anymore, Yera. Not here. Not with me. You'll be free and that's what your parents want."
Ramdam ko ang init ng kanyang mga salita, parang yakap na hindi ko inaasahan. Sa mga gabing iyon, natutunan kong hindi lang sya protector ko—siya ay kaibigan, kakampi, at marahil higit pa.
Habang nasa kusina ako ng mansyon, nagulat ako nang makita si Orion nakatayo sa harap ng stove, hawak ang kawali na parang chef. “Breakfast experiment,” nakangiti niyang sabi. “Don’t worry, I haven’t poisoned anyone yet.”
Napatawa ako, at si Selene naman ay umiling, nakaupo sa mesa habang nagbubukas ng mapa. “He calls it cooking. I call it chaos.”
Kael, tahimik na nakatayo sa gilid, biglang nag-abot ng mangkok ng prutas sa akin. Walang salita, pero ramdam ko ang simpleng pag-aalaga.
At saka dumating si Phyr, nakasuot ng simpleng shirt, mas relaxed kaysa dati. “You’re all awake early,” sabi niya, sabay tingin sa akin. “Yera, hali ka. Help me with the coffee.”
Naglakad ako papunta sa kanya, at habang tinuturo niya kung paano gamitin ang espresso machine, napatawa ako. “You? Teaching me coffee? I thought you were all about strategy and secrets.”
Ngumiti siya, bahagyang tumawa. “Even warriors need caffeine. And besides… it’s nice, doing something ordinary with you.”
Napangiti nalang ako.
Sa dining hall ng mansyon, nakalatag ang mesa na puno ng pagkain—tinapay, prutas, mainit na kape, at ilang ulam na niluto ni Orion na mukhang mas maayos kaysa sa kanyang “experiment” kanina.
"Finally, something edible," biro ni Selene habang kumukuha ng tinapay. “Orion, you’re improving.”
Orion tumawa, sabay sagot: “Kita mo? I told you I’m more than just tech. I’m a chef in disguise.”
Napatawa ako, at si Kael naman ay tahimik na nag-abot ng baso ng juice sa akin. Walang salita, pero ramdam ko ang simpleng pag-aalaga.
Habang kumakain kami, nagsimula silang magbahagi ng mga kwento. Si Selene nagkwento ng unang misyon niya—kung paano siya muntik mahulog sa bubong pero nakaligtas dahil sa mabilis na reflexes. Orion naman ay nagkuwento ng nakakatawang insidente kung saan nagkamali siya ng password at na-lock ang buong system ng mansion.
Napuno ng tawanan ang mesa, at sa unang pagkakataon, naramdaman kong parang pamilya kami.
Tumingin sa akin si Phyr, nakangiti habang hawak ang tasa ng kape. “Your turn, Yera. Tell us something about you. Something ordinary, something… sweet.”
Napaisip ako, saka mahina kong sinabi: “When I was little, my dad used to wake me up with pancakes every Sunday. He’d say it was our ‘secret tradition.’ I thought it was just about breakfast… but now I realize, it was his way of keeping me safe, keeping me close.”
Tahimik silang lahat, nakikinig. Si Selene bahagyang ngumiti, si Orion tumango, at si Kael ay tumingin sa akin na parang mas lalo akong naiintindihan.
Phyr leaned closer, his voice soft. “Then let’s make new traditions here. Breakfast together, stories together. You’re not alone anymore, Yera.”
At sa sandaling iyon, habang nakapalibot kami sa mesa, ramdam ko ang init ng pagkakaibigan. Ito ay tungkol sa pagtawa, sa kwento, at sa mga bagong alaala na unti-unti naming binubuo—kasama si Phyr, kasama sila.