BOOK 2: CHAPTER 31

2302 Words

May mga gabi talagang hindi ka dinadalaw ng antok—hindi dahil sa ingay, hindi dahil sa gulo ng mundo, kundi dahil may katahimikang masyadong malalim para tulugan. Ganito ang gabing iyon. Nakatayo ako sa harap ng bintana ng kwarto namin, hawak ang kurtina, pinagmamasdan ang lungsod na tila ba hindi kailanman natutulog. Ang ilaw ng mga gusali ay parang mga bituin na bumaba sa lupa—malayo, malamig, pero maganda pa rin. Sa kabila ng ganda nito, wala pa ring tatalo sa pakiramdam ng may uuwian. “At anong iniisip ng asawa ko?” marahang tanong mula sa likuran. Hindi ko kailangang lumingon para makilala ang boses ni Sayven. Kahit nakapikit ako, kahit sa gitna ng ingay ng mundo, siya pa rin ang makikilala ko. Ngumiti ako bago pa man ako humarap sa kanya. “Kung gaano ako kaswerte,” sagot ko nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD