“Good morning, guys!” masayang bungad ni Bobbie. Tumakbo siya papalapit sa amin at isa-isa kaming niyakap at bineso. Kasunod lang niya sina Migz, Quinn, Reign, at Daxon. Dito namin binati ang isa’t isa. Nakakatuwa nga dahil parang wala namang nagbago nang makita nila ulit si MJ. They didn’t become indifferent, and instead, they welcomed him warmly. Nagkaroon nga lang ng asaran dahil ginaya nila ang iba’t ibang posing ni MJ sa billboard. “Hubadera ka ng taon!” sigaw ni Quinn. Nagtakip naman ng mukha si MJ gamit ang dalawang kamay niya dahil hiyang-hiya siya. Kitang-kita ang pamumula ng kanyang leeg abot tainga. Ito tuloy ang napala niya dahil palihim siyang nagpakuha ng litrato para sa billboard. Ang hilig-hilig niya kasing manurpresa. “I’m happy to see you all again… pero mukhang mas

