Now that MJ has his own place, I finally have my whole unit to myself. It’s just like what I’ve always wanted. Kaya naman dating gawi, pagkatapos kong maglinis ng buong unit ay naupo ako sa sala, nakinig sa classical playlist, at uminom ng wine. Pumikit ako at sinubukang namnamin ang katahimikan ng paligid. Pagkalipas ng ilang segundo, rumehistro sa isip ko ang mukha ni MJ habang tinutulungan niya ‘ko sa skincare routine ko. Napangiti ako dahil sa pagseseryoso niya masyado noon. Akala mo talaga buhay ang nakataya kaya kailangan niya itong maperpekto. Napadilat ako dahil dito. Bakit iniisip ko si MJ? Dapat nagre-relax lang ako ngayon. Empty mind and empty heart. Parang katulad lang ng dati. Hindi naman ito mahirap gawin. Pumikit akong muli. For the first few minutes, I was doing great.

