Sumilip pa ulit ako sa hallway para makasiguradong wala na talaga ang mga kaibigan namin. Tiningnan ko rin kung nakarating na sa ground floor ang elevator bago ako pumasok sa loob ng unit ko. Nilibot ko naman ang bawat sulok ng unit ko sakaling may naiwan silang maaari nilang balikan. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang malinis ang paligid. Nang masigurado kong ligtas na kami ni MJ, nagmadali ako papunta sa kwarto ko. Binuksan ko ito para palabasin na siya, pero nagtaka ako nang mahirapan akong itulak ang pinto. Akala ko tuloy noong una ay naka-lock. Baka ni-lock ni MJ para makasiguradong ‘di ito mapapasok. Pero napihit ko naman ang doorknob. Sadyang parang may mabigat lang na nakaharang sa pinto. Kaya naman wala akong choice kung hindi pwersahin ito. Gamit ang lakas ko’y p

