“So, how you do want to use this?” tanong ni MJ sa akin sabay pakita ng recorded audio sa kanyang phone. Sandali lang akong tumingin dito at pagkatapos ay ibinaling ko rin ang tingin sa malawak na dagat. Kasabay nito ay ang pag-ihip ng malakas at sariwang hangin kaya napapikit ako. Dinama ko ang kapayapaan ng paligid na alam kong malabo ko nang maramdaman pagbalik namin sa Maynila. Nandito na ulit kami sa resort. At dahil malapit lang ito sa tabing dagat, inaya ko si MJ magpunta rito bago bumalik sa kwarto namin. Kailangan na rin kasi naming mag check out so, might as well have a last glimpse of the sea. Mula rito’y didiretso na kami sa airport. Tutal naman ay tapos na ang pakay namin dito sa Cebu, wala nang dahilan para magtagal pa kami rito. “Pa-send na lang sa ‘kin. I’ll take it fro

