Paggising ko ay wala parin akong makitang bakas ni Zane sa kwarto. Nasapo ko ang aking ulo nang maramdaman ang pagkirot nito, pinilit kong bumangon at nahihilo ako. Bumangon parin ako at nagtungo sa banyo, matapos makapaghilamos at toothbrush ay bumaba na ako ng kwarto at nadatnan si Manang na naglilinis. " Good morning nak! Kumusta kagabi? umuwi ba ang asawa mo? " tanong nito, napalunok ako at ngumiti dito. " Okay naman po Manang. " sagot ko at tinignan ang wall clock at nakitamg alas nuwebe na pala ng gabi. " Sandali at ipaghahanda kita ng pagkain. " sabi nito, tumango naman ako at dumeretso sa dining table. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may message si Zane pero wala. Napabuga ako ng hangin at naisipan siyang tawagan. Pero puro ring lang ito, nang mapagod sa pagtawag a

