Napatingin ako kay Clyde mula sa salamin, nakaupo lang sa isang gilid at pinapanuod ang ginagawang paglilinis ng kuko sa akin ng bakla. Grabe din tong lalaking to, hindi talaga umalis at nagawa pa akong hintayin. Seryoso siyang nakatingin na tila mas ikinagwapo pa niya. Hayst! ano ba tong naiisip ko? Ipinilig ko ang ulo para iwaksi ang naiisip. Maya-maya pa ay tumayo ito at lumapit sakin na ipinagtaka ko. " Ahm..aalis lang ako saglit. " sabi nito na ikinatango ko. Bakit kailangan pa niyang magpaalam? Hindi ko siya kaibigan, hindi ko siya alalay o boyfriend pero grabe siya umasta ha! Sinulyapan ko siya mula sa salamin habang papalabas ng parlor. Matangkad ito at maganda rin ang pangangatawan. " Gwapo naman ng boyfriend mo. " kinikilig na sabi ng bakla na muntikan ko nang ikinasamid. "

