CHAPTER ONE
Luna's POV:
"Code red, abort the mission!" Utos ko kay Hoshi sa kabilang linya habang pinagmamasdan si Mr. Broleo sa sulok. Papalabas na s'ya dito sa event hall at mukhang pabalik na sa hotel room n'ya.
"Hoshi? Are you even listening to me?" Tawag ko sa kausap ko dahil hindi ito sumasagot. "Hoshi?" Ulit ko muli at nang walang sumagot ay napangiwi na lang ako, "Sh*t." Tinungga ko ang wine ko at mabilis nang tumayo. This isn't part of the plan pero dahil out of contact si Hoshi, kailangan ko 'to gawin.
Marahan kong sinundan si Mr. Tyler Broleo. He's currently the mayor of San Thomas City, he's rich but he's not a good one. He's running a charity here in the event hall, acting all kind and leader but actually, it's all an act. This event is happening to cover up his real intention, his illegal business.
May kasama s'yang isang body guard ngayon kaya naman maingat ang bawat paghakbang ko dahil malakas makagawa ng ingay ang suot kong pulang sapatos na may matulis na heels. Nang sumakay sila sa elevator ay mabilis akong pumasok sa exit stairs, I can't use the elevator as well dahil mapapansin nila ako. Pagkapasok ko sa loob ay tahimik rito at walang ibang tao. Inangat ko ang paningin ko pataas sa mga hagdan at nang malula ay napapikit ako saglit. Huminga ako nang malalim at inihanda ang sarili dahil mataas taas ang aakyatin ko. Lagot talaga sa akin mamaya si Hoshi. He'll pay for this!
Hinubad ko ang suot na sapatos at dali-daling umakyat.
"F*ck, why didn't you warn me he's coming?" Sa wakas ay narinig ko na rin na magsalita si Hoshi.
Kakarating ko lang sa 35th floor kung nasaan ang hotel room ni Mr. Broleo at hindi ako agad nakasagot dahil hinahabol ko pa ang aking hininga.
"They're f*cking oustside!"
"F*cking shut your mouth or else they'll hear you," madiin kong sambit sa kan'ya sabay marahan na binuksan ang pinto palabas ng corridor. Sumilip ako sa kanan at nakitang nakatayo na sila Mr. Broleo sa tapat ng pinto habang sinusubukang buksan ang kwarto. Nakailang swipe na ng key card ang body guard pero hind parin bumubukas ang pinto.
"What's happening?" Rinig kong tanong ni Mr. Broleo sa kan'yang body guard. "Napakatagal naman n'yan. Gusto ko na pumasok sa loob at magpahinga."
"Sir, hindi po gumagana itong key card." Tinaas ng body guard ang key card.
"Tabi nga!" sigaw ni Mr. Broleo sa kan'ya sabay agaw ng key card at marahas s'yang tinulak sa gilid. "Useless body guard!"
"Listen to me, we only have a minute. Kung hindi mo parin nahahanap yung mga papeles, you have to go now," mahina at seryoso kong saad kay Hoshi.
"What? No way! Nandito naman na ako. I'll find it fast. Buy me some time!"
"Excuse me?" Inis kong saad sa kan'ya. "I've bought you enough time! Halos kalahating oras kana nga nand'yan sa loob until now hindi mo parin nahanap? Ano bang pinaggagawa mo?" Why did Locky even partnered me with Hoshi? Sana ay nag-solo mission na lang kami. This is stressful and I can't focus whenever I'm with Hoshi.
"Bulok ata tong key card na 'to eh!" Nakakailang swipe na ng key card si Mr. Broleo at hanggang ngayon ay hindi parin bumubukas ang pinto.
"Sir Broleo, baka sira po ang key card. Tatawag po ako sa lobby para kumuha ng bago," suggest ng body guard.
"No, this works fine an hour ago. There must been something—" hindi n'ya natapos ang sasabihin nang baliktarin ang card. "I knew it! Para sa ibang hotel room ito! This is not the key card for my room."
Bumaba ang tingin ko sa key card na hawak ko ngayon. Kanina sa event ay may taong kinuhaan ko ng key card at habang busy si Mr. Broleo sa pakikipag-usap ay pasimple ko s'yang binangga at pinalitan ang key card n'ya.
"There must be someone behind this!" Galit nitong sigaw. "Open the d*mn door now! Kung kinakailangang gumamit ng pwersa, do it!"
"Yes, Sir!" Mabilis na pinagsisipa ng body guard ang pinto.
"Oh-uh, what's that sound?" Napairap na lang ako nang marinig ang tanong ni Hoshi.
"You need to go now or you'll become a dead meat," babala ko sa kan'ya.
"Are you leaving me?" Gulat n'yang tanong. "You're abandoning your partner? There's no other way for me to get out of here, Luna. There's no balcony here. Just a freaking glass wall!"
"What the héll? Bakit ngayon mo lang sinabi?!"
Nang may marinig akong malakas na kalabog ay binalik ko ang tingin sa hallway at nakitang nabuksan na nila ang pinto.
Sht.
"Hide. Whatever happens, don't let them see you," seryoso kong saad.
"Luna? Why do you sound like you're leaving me—" hindi ko tinapos ang sasabihin n'ya. Pinatay ko agad ang call namin. Umupo ako at kinalkal ang sling bag ko, nagsuot ako ng itim na sumbrero para hindi ako mamukhaan. Pagkatayo ko ay napatingin ako sa sapatos kong nasa sahig, "Maybe I can use you," sambit ko sabay sinuot ito muli.
"Send backups, NOW." Mukhang nakaramdam na si Mr. Broleo. Nang pumasok sila sa loob ay mabilis na akong lumabas sa exit stair at naglakad sa hallway.
Ilang minuto lang at magpupuntahan na dito ang mga backup n'ya, kailangan naming makaalis agad ni Hoshi dito.
Nang maraanan ko ang hotel room ay huminto ako at lumingon. Nakita kong nasa loob na sila at maingat na pinagmamasidan ang paligid. Dali-dali akong pumasok sa loob, pinatay ang ilaw at sinara ang pinto.
"Who's that?!" Rinig kong sigaw ni Mr. Broleo.
Nakadapa ako sa sahig upang hindi nila ako maaninag. Sinubukan kong hanapin si Hoshi pero mukhang wala s'ya dito sa living area. Nasaan naman s'ya?!
"Open the fr*aking lights Ronde!"
"Yes, Sir!"
Nang maramdaman kong papalapit na ang body guard at huminto ito sa tapat ko ay mabilis ko itong pinatid.
"Ronde?!" Sigaw ni Mr. Broleo.
"Sir! Someone's her—" bago pa magsalita ang body guard ay tinalian ko ito ng panyo sa bibig.
Nagpumilit itong kumawala pero hinigpitan ko ang pagkakakapit sa kan'ya. Nang maramdaman kong siniko ako nito sa tagiliran ay napangiwi ako pero hindi ako bumitaw sa pagkakayakap ng madiin sa leeg n'ya. He's a body guard and one wrong move, alam kong makakatakas ito sa'kin.
Biglang may pumalakpak dahilan para bumukas ang mga ilaw. Natigilan ako at napalunok nang makaramdam ng hindi maganda. Marahan kong inangat ang tingin at nakita si Mr. Broleo na nakakunot ang noo habang deretso ang tingin sa akin.
"Nagkamali ka ata ng kwartong pinasukan, Iha," mahina lang ang boses n'ya pero malamig ito. "Hindi mo kilala ang binabangga mo at lalong hindi mo alam kung hanggang saan ang kaya kong gawin.." may nilabas s'ya sa bulsa at nang makitang baril ito ay nanlaki ang mga mata ko.
Mas hinigpitan ko pagkakayakap sa leeg ng body guard n'ya.
"Kahit gawin mong pangsangga 'yang body guard ko, hindi ako magdadalawang isip na paputukin ito. Wala namang silbi ang buhay n'yan eh. Di'ba Ronde?" Tumawa ito sabay naglakad nang marahan papalapit sa amin.
"S-sir.. huwag po.." ramdam ko ang takot sa nanginginig na boses nito.
Marahang tinutok ni Mr. Broleo ang baril sa amin sabay sabing, "Sino ang nagpadala sa'yo rito?"
"Mali ka," sambit ko sabay tinignan s'ya ng masama sa mga mata. "Alam ko kung sino ang binabangga ko at kung hanggang saan ang kaya mo. I know all your secrets, Mr. Broleo. Yang charity event? Lahat ng dinodonate, binubulsa mo at napupunta sa drug business mo! You're using those innocent child! You're killing them!" hindi ko na napigilang sabihin ang mga nalalaman ko. Isa s'yang demonyo. Nakangiti sa harap ng mga tao pero pag nakatalikod ay isa palang buhaya at mamamatay tao.
"Mukhang alam ko na kung sino ang nagpadala sa'yo," nakangisi n'yang sambit sabay umupo sa sahig para makapantay ako. Deretso ang mga tingin namin sa isa't isa at walang gusto sa aming magpatalo. "Si Locky ba?" Hinawakan n'ya ang sumbrero ko at hinubad ito sabay ngumisi.
Hindi ako sumagot, nanatiling tahimik ako.
"Sagot!" Napapikit ako nang paputukin n'ya ang baril na may silencer sa body guard na ngayon ay bumagsak na nang tuluyan ang katawan sa akin.
Nakita ko ang pagtulo ng dugo nito mula sa noo, papunta sa leeg hanggang sa umabot na sa braso ko. Sinubukan kong gumalaw pero masyadong mabigat ang katawan nito. Hindi ko mapagkakaila na sobrang bilis ng t***k ng puso ko ngayon gawa ng kaba at takot. Maraming beses na akong nakasaksi ng pagkamatay kaya naman baliwala na lang sa akin ito pero ang mamatay ng hindi man lang makalaban at hindi patas? Hindi ito okay sa akin. I will not accept it.
Malayo na ang narating ko and I promised to myself na ipaghihiganti ko pa ang pagkamatay ng parents ko kaya hindi puwedeng hanggang dito lang ako.
"Hindi ka talaga sasagot? Well then, you leave me no choice!" Tumayo s'ya at this time ay sa ulo ko naman nakatutok ang baril. Pasimple kong kinuha ang key card sa bulsa ko at inihanda ito. "Ipapadala ko na lang ang ulo mo kay Locky." Nang makitang pipihitin na n'ya ang baril ay malakas kong pinalipad sa ere ang key card upang salubungin at hatiin nito ang bala. 50-50 lang ang chance ng technique na ginawa ko pero sa sitwasyon ko, wala na akong ibang choice.
It's either do or die.
Habang hinihintay ko ang paglabas ng bala ay biglang may pumalakpak dahilan para mamatay ang ilaw. Napakunot ang noo ko.
Anong nangyayari?
"Sorry, I'm late."
Pagkabalik ng ilaw ay kasabay kong narinig na may malakas na bumulagta sa sahig.
Napatingin ako roon at nakita si Mr. Broleo na walang malay na nakahiga sa sahig habang si Hoshi naman ay nakatayo at may hawak na golden buddha statue. Nakasuot ito ng itim na polo habang nakababa ang buhok na itim.
"Sorry I'm late?!" Galit kong sigaw sa kan'ya habang pinagmamasdan ang dugo sa braso ko na dumikit na rin sa damit ko.
"Don't get mad. I had to find the right timing, and besides you're still here, alive," walang ganang sagot n'ya sabay tinulungan akong alisin ang katawan ng body guard na nakapatong sa akin.
"Still alive?" Magkasalubong na kilay kong sambit sa kan'ya sabay tumayo at humarap sa kan'ya. "I was the one who went here to save you! Muntik na akong mamatay!" Nakakainis dahil hindi ko s'ya magawang iwan at mas lalong nakakainis dahil alam ko sa sarili ko kung ano ang dahilan ko.
"Blah, blah, blah, what's important is we're both alive and I got the papers we need. Okay?" Inakbayan ako nito sabay ngumiti na parang gunggong.
"Okay mo mukha mo!" Malakas ko s'yang sinipa sa ari n'ya kaya naman napaatras s'ya at napapikit sa sakit. "Luna!" Nagtitimpi n'yang sigaw.
I hate the fact that I love this guy.
Yes, you read it right. I am in love with this guy. My childhood friend, my nemesis and now my partner in missions.
Nang may marinig akong mga yapak galing sa labas ay mabilis kong binuksan ang pinto at sumilip sa hallway, "Sht." Nanlaki ang mga mata ko nang makitang papunta na rito ang mga tauhan ni Mr. Broleo.
"We need to go!" Kahit hindi pa nakaka-move on sa sakit si Hoshi sa pagbáyag ko sa kan'ya ay hinawakan ko na s'ya sa kamay sabay hinila papalabas ng kwarto.
"What?" Magkasalubong na kilay n'yang tanong at talagang huminto pa sa hallway. Lalo tuloy kaming nakita. Great.
"Hulihin sila!" Sigaw ng isang tauhan at nagsimula na itong magsitakbuhan papalapit sa amin.
"Don't tell me.. you're scared of them?" Tanong n'ya sabay ngumisi. "Don't worry, I can handle them," mayabang nitong saad habang ginagalaw ang mga balikat na para bang hinahanda ang sarili makipaglaban.
"They're too many Hoshi! Besides, baka may baril din sila. We can't fight them." Dali-dali kong hinubad ang sapatos ko sabay tinutok ang matalas na takong tsaka binato sa mga tauhan ni Mr. Broleo.
Nakita kong tumama ito sa noo nang nauuna sa kanila tumakbo, napapikit iyon sa sakit at nakita kong nagkaroon s'ya ng pula na bilog sa noo bago mapahiga sa sahig.
"Tsk. This is tanda's fault," Iritableng sambit ni Hoshi sabay hinawakan ako sa pulsuhan. "Fine, let's go." Naunang tumakbo si Hoshi and for a second, I lost myself. Sinusundan ko na lang s'ya habang tumatakbo kami. I can't think straight at hindi ko maalis ang tingin sa kamay n'yang nakahawak sa akin. Hindi ko maiwasang mapalunok at makaramdam ng saya.