"Bakit hindi mo ni-lock yung pinto?" Bakas sa mukha ni Celine ang nararamdamang hiya.
Natawa na lang ako nang mahina at tumayo. Kinuha ko ang black shirt ko at sinuot ito. "Saan ka pupunta?" Tanong n'ya.
"I'll get water." Hindi ko na hinintay pa ang sagot n'ya, mabilis na akong lumabas ng kwarto para hanapin si Luna.
Why is she home already? Akala ko mamaya pa s'ya uuwi.
Nang marating ko ang kusina ay nakita ko si Luna rito na umiinom ng tubig. Naramdaman n'ya ang presensya ko kaya naman napalingon s'ya at muntik nang madura ang tubig. Malakas n'yang nilapag ang baso sa lamesa habang masama ang tingin sa'kin.
"What the hell was that?" Halata ang galit sa boses n'ya.
Okay. She's really mad.
"What?" I asked. "Don't get mad. It's not new. I fvck girls wherever and whenever I want."
"Seriously? Right here?" Hindi makapaniwalang tanong n'ya.
Well, it's actually the first time na nagdala ako ng babae sa condo na binigay sa amin ni Locky. "I forgot to bring my wallet and I didn't want Celine to pay for rooms kaya dito ko na lang s'ya dinala."
"Don't ever bring girls here again," madiin na sabi ni Luna.
"What's your problem?" Sumobra ata ang sungit n'ya sa akin ngayon.
"Locky called me," seryoso n'yang sabi at tinignan ako. "We will meet him later, at dinner."
"And if I don't want to meet him?" mahina kong tanong.
"You'll be disqualified from joining the organization," sagot n'ya sabay sumandal sa table. "Can you stop acting like a child, Hoshi? This was your idea from the start hindi ba? You promised we'll join the organization and avenge our parent's death. Bakit simpleng pakikisama lang kay Locky hirap ka? He's the one who took care of us!"
"He is the reason why they died!" Hindi ko na rin napigilang pang sumigaw. "If only he gave the mission to other agents, our parents will still be alive." Huminga ako nang malalim at kinontrol ang boses ko. I can't lose my cool, lalo na't nandito si Celine.
Luna is right, Locky took us. He took care of us, fed us, provide everything we needed until he left us for f*cking 6 years and has not visited us nor talked even once. He is an important person especially for Luna and yet parang wala lang kami sa kan'ya. He's an assh*le.
"It was our parent's decision to accept the mission," mahinang sambit n'ya sabay napayuko.
"Uhm, guys?"
Napalingon ako at nakita si Celine na mukhang kararating lang. I told her to stay inside my room, tsk. Naglakad s'ya papalapit at tumabi sa akin.
"Is there a problem?" Nakakunot noo n'yang tanong. "Why is she here, babe?" Tanong pa nito sabay tumingin sa akin.
"I.." Nakita kong napakagat ng labi si Luna.
Luna and I were living in the same roof but no one in the University knows it. We had an agreement to keep it a secret. Once we set our foot inside the University, we're practically a strangers to each other.
"I was just visiting him," sagot ni Luna sabay umiwas nang tingin.
"At this hour?" Nagtatakang tanong ni Celine.
"Luna is living here with me," sagot ko dahil alam kong nagdududa na si Celine at para matapos na rin ito.
"What?" Mabilis na napatingin sa akin si Celine pero hindi ko s'ya pinansin.
Nakatingin lang ako kay Luna na napailing na lang at mukhang disappointed sa sinabi ko, "excuse me." Mabilis s'yang lumabas ng unit kaya naman kaming dalawa na lang ni Celine ang naiwan rito.
"Can you explain to me bakit s'ya dito nakatira? Is she your ex? Ayaw ka ba n'yang tantanan?" Sunod-sunod na tanong nito.
Napabuntong hininga ako at tinignan sa mata si Celine. Maybe this is the right time to end everything with her. Una pa lang naman ay hindi ko na plano pang patagalin ang relasyon namin. It was just a hook up, turned into a f-body and now that I felt like she's falling for me, it's time to stop.
"Hoshi." Hinawakan ako ni Celine sa mukha at nang subukan akong halikan ay humakbang ako palayo. "Why? What's wrong?"
"I'm done with you, Celine," seryoso kong saad habang nakatingin lang ng deretso sa mga mata n'ya.
"What? What do you mean?" Alam kong alam n'ya na kung ano ang ibigsabihin ko but she's acting clueless. "Hoshi? Don't you like me anymore?"
"I'll be honest. I'm sick and tired of you." Natigilan s'ya sa narinig. "Alam kong kilala mo ako Celine. I don't sleep and stick with just one woman. That's who I am."
"Let's stop this now." Throwing this words, I know it'll hurt her.
Matapos ang ilang minuto ay nag-process na sa kan'ya ang mga sinabi ko. Humakbang s'ya papalapit sa akin and within a second, naramdaman ko na lang ang malakas na pagsampal n'ya sa akin.
"Jerk!" Nakita kong tumulo ang luha n'ya at mabilis na rin s'yang lumabas.
Napasandal ako sa pader at napahawak sa pisngi. Pang-ilang babae na ba si Celine na sumampal sa akin? I have already lost counts but it still hurts. Napabuntong hininga na lang ako nang maramdamang namamanhid ang pisngi ko.
I know Celine is starting to fall for me and I don't want that to happen kaya kinailangan kong tapusin kung ano man ang mayroon sa amin. I don't even like her and falling for someone is not on my list. I don't do romance. I know love will just become my weakness and a hindrance that I couldn't afford to have.
My only goal in life is to avenge the death of my parents and Lunas' as well. I will make sure that they will pay. I will crush the Kurigari.