3

1047 Words
EVA KINABUKASAN, muling nag-ikot si Eva para maningil. Napagod na lang siya magpabalik-balik pero kakaunti pa lang ang nagbabayad. Umuwi na lang silang dalawa ng kanyang anak. "Mommy, sa susunod po kaya huwag ka ng magpautang. Ang kukunat kasi nilang magbayad eh," nakasimangot na sabi ng kanyang anak. Natawa si Eva nang tingnan ang anak niya. "Siguro tama ka. Ibang sideline na lang ang gagawin ko. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap silang singilin. Ang gagaling nilang magsalita kapag mangungutang na. Pero pagdating sa singilan, nagsisitago sila at magaling lang sa salita." Nang makapasok sila sa inuupahang apartment, nakasimangot na naupo si Maya sa upuan doon. Mayamaya lang ay nakarinig siya ng ingay sa labas. Narinig niya ang batang humihiyaw kaya sumilip siya sa binta. "Maya, huwag kang lalabas," sabi ni Eva sa anak. "Hindi po, mommy. May sisilipin lang po ako," sagot ng anak niya. Mula sa binata, nakita ng anak niya ang batang naglalaro habang hinahabol ito ng kanyang ama. Napalunok ng laway si Maya. Kitang-kita ni Eva sa mga mata ng kanyang anak ang matinding lungkot. Pati na rin ang pananabik nitong magkaroon ng daddy. "Mommy, kailan kaya ako magkakaroon ng daddy? Tingnan mo sila, oh ang sarap nilang panuorin. Hinahabol po siya ng daddy niya at sobrang saya niya. Mommy, nasaan po ba ang daddy ko? Sabi niyo po buhay pa siya, 'di ba? Pero nasaan po siya? Hindi niya po ba ako love? Ayaw niya po ba sa akin?" Parang piniga ang puso ni Eva sa kanyang narinig. Nangilid kaagad ang kanyang mga luha at saka lumapit sa kanyang anak. Hinaplos niya ang buhok nito. "Anak... hindi naman sinabi ng daddy mo na hindi ka niya mahal. Wala siyang sinabing ganoon. Umalis lang siya para humanap ng work pero hindi na siya bumalik. Hindi ko alam kung nasaan siya pero naniniwala akong magkakasama kayo ulit," nanginginig ang tinig niyang sabi. Kahit na matindi ang galit niya kay Lennox dahil hindi ito nanatili sa tabi niya, hindi naman niya ito sinisiraan sa kanilang anak. Dahil kung hindi rin dahil kay Lennox, wala si Maya ngayon sa kanyang harapan. Ngumuso si Maya. "Palagi na lang pong ganiyan, mommy. Lagi niyo na lang sinasabi na magkikita kami pero hindi pa rin kami nagkikita hanggang ngayon. Ano ba iyan, mommy. Parang niloloko niyo lang po ako eh." Napalunok ng laway si Eva. Pabagsak na humiga sa kama ang kanyang anak. Habang siya ay malungkot na nakamasid sa kanyang anak. Kapag nakikita niyang nalulungkot si Maya, nadudurog ang puso niya. Wala naman siyang balak na itago si Maya mula sa daddy nitong si Lennox. Pero dahil si Lennox mismo ang pumutol sa komunikasyon nila noon, nawalan siya ng pag-asang sabihin na nagbunga ang pagmamahalan nilang dalawa. 'Patawarin mo ako, anak. Kahit ako hindi ko rin alam kung saan hahanapin ang daddy mo. Hindi ko alam kung paano ko siya mahahanap...' Bumuga ng hangin si Eva at saka nagtungo sa kusina. Kailangan na niyang mag-asikaso para sa kakainin nila ngayong araw. Habang abala sa paghihiwa ng sibuyas, sinulyapan niyang muli ang anak niya. Malungkot ang mga mata nitong nakatuon sa kisame. Habang abala siya sa pagluluto, biglang may kumatok. Si Mariano. Ang nangungupahan sa katabing unit. Binata ito at dama ni Eva na may gusto sa kanya ang binata pero hindi niya binibigyang pansin iyon. Hindi siya nagpapakita ng motibo. Hindi naman sa ayaw niya talaga kay Mariano. Wala lang talaga siyang pakialam sa mga lalaki. "Ikaw pala, Mariano. Bakit?" nakangiting tanong niya sa binata. Ngumiti ng malawak si Mariano. Lumabas ang sungki-sungking madilaw nitong ngipin. Napangiwi si Eva. May itsura naman si Mariano pero tamad magsipilyo. Kaya kapag kinakausap niya ito, bahagya siyang lumalayo. At kung minsan ay hindi siya humihinga para hindi niya maamoy ang mabaho nitong hininga. "May dala akong ulam para sa iyo. Nagluto ako ng pininyahang manok," saad ni Mariano. Pinigil ni Eva ang paghinga niya nang lumapit siya kay Mariano upang tanggapin ang bigay nitong ulam. Agad din siyang lumayo nang makuha niya iyon bago ngumiti. "Maraming salamat sa ulam. Nagluluto pa lang ako ng tanghalian namin. Monggo naman ang sa amin. Mamaya aabutan kita," saad ni Eva. Napakamot sa ulo si Mariano na halatang kinikilig. "Walang anuman. At salamat sa ibibigay mong ulam. Oh sige na, balik na ako sa unit ko. Enjoy kayo sa pagkain," wika ni Mariano. Simpleng ngiti ang tinugon ni Eva bago agad na sinara ang pinto. Bumuga siya ng hangin at saka inilapag sa mesa ang ulam na bigay ng binata. Tumayo naman sa kama si Maya at saka tinikman ang ulam doon. "Hmm! Masarap talaga magluto si kuya Mariano. Kaso ang baho ng hininga niya, 'no? Parang imburnal. Sayang, okay na sana siyang maging daddy ko dahil mukhang mabait naman kaso ayokong maamoy palagi ang mabaho niyang hininga," nakakunot-noong sabi ni Maya. Hindi napigilan ni Eva na matawa bago pinisil ang pisngi ng kanyang anak. "Ikaw talaga! Bad ka! Saan mo ba namana iyang pagiging laitera mo, anak? Sabi ko sa iyo huwag kang ganoon eh." "Mommy, nagsasabi lang po ako ng totoo. Mabaho naman po talaga ang hininga niya, 'di ba? At saka kanino pa nga po ba ako magmamana? Syempre po sa inyo!" Malakas na tumawa si Eva bago niyakap ang anak. Natatawa siya sa pagiging honest at madaldal ni Maya. "Basta kapag nandiyan siya huwag kang magsasalita ng ganoon, ha? Huwag mong sasabihin na mabaho ang hininga niya. Masasaktan iyon." Mabilis na tumango si Maya. "Opo, mommy. Hindi ko po sasabihin na mabaho ang hininga niya para patuloy pa rin niya tayong bigyan ng ulam." Natatawang napailing na lang si Eva bago bumalik sa kanyang niluluto. Sa loob-loob niya, kahit na sobra siyang pagod sa lahat, inaalis naman ni Maya ang pagod niya. Lalo pa't napapasaya siya palagi ng kanyang matalino at pilyang anak. Naisip niyang bigla si Lennox. Prangka kung magsalita ang lalaking iyon at walang preno. Ganoon na ganoon ang ugaling mayroon si Maya. "Tsk. Hindi ko na dapat iniisip pa ang lalaking iyon. Nagmakaawa ako sa kanya na manatili siya sa tabi ko pero hindi niya ginawa. Kaya dapat lang na kalimutan ko na siya. Hindi lang siya ang lalaking magaling kumadyôt. Kaya dapat lang na burahin ko na siya sa sistema ko," inis niyang sabi sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD