Kabanata 49

1316 Words

VENICE MARTINEZ's Point Of View ANG totoo? May sapak ata itong lalaking ito. Kanina pa kasi niya ako tinititigan habang walang humpay ang pagdidiscuss ni Ma'am Mararac sa harapan. Nadidistract tuloy ako sa kaniya. Ang totoo hindi naman talaga siya dapat ang katabi ko pero dahil pinakiusapan niya iyong babaeng katabi ko na magpalit sila ng upuan ayon pumayag naman with exchange of his autograph! Hindi na ako nakatiis sa pagtitig na ginagawa niya sa akin. Naiirita ko siyang binalingan ng magsulat sa white board si Ma'am Mararac. "Alam mo, staring too much with your seatmate is rude." Mataray kong sabi sa kaniya. Para kasing hindi siya marunong magtagalog kaya in-English ko na. Tama ba ang grammar ko? Ewan! He looks at me wearing a smile on his face. Napairap ako sa aking isipan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD