VENICE MARTINEZ's Point Of View T? Sino ba iyon? Wala naman akong kilalang T na magpapadala sa akin ng ganoon. Manyak ba iyon? Siguro nga. b*a ba naman ipadala sa akin at undies? Pag nakita ko talaga ang lalaking iyon humanda siya sa akin. "Ang gwapo niya no?" "Tingin ninyo kaklase natin siya?" "Sana naman! Para araw araw kong masilayan ang gwapo niyang mukha!" Kinikilig na sabi nung grupo ng mga kaklase ko sa tabi. Okay, sinong pinag-uusapan nilang gwapo? May iba pa bang gwapo rito? "Take your seat," umupo ako ng ayos sa aking upuan at nakinig sa sinasabi ng adviser namin. "We have a transferee student," sabi ni Ma'am Mararac na ikinaingay ng mga kaklase namin. "Oh my gosh! Siya iyon! Kaklase natin si Tanner!" Pakli ng isa naming kaklase habang nakatingin sa harapan kung saan pum

