JIBBSON RAMIREZ’s Point Of View ANG sakit! Ang sakit pala talagang mareject ng taong mahal na mahal mo. Para bang pinipiga ng paulit-ulit ang puso ko at wala akong magawa para pigilan ito. Busted? f**k! Alam kong hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay. Alam ko hanggang doon lang kami. Pero, s**t lang! Hindi ba pwedeng maging kami? Hindi ba pwedeng mahalin niya rin ako? Hindi ba pwedeng bigyan niya ako kahit katiting na chance para maipakita ko ang nararamdaman ko sa kaniya? Hindi ba pwede iyon? Bakit kasi hindi pwedeng maging kami na lang? Bakit kasi hindi na lang ako, Venice? Buti ako lagi siyang pinapangiti. Laging ginagawa ang gusto niya at kahit kelan hindi siya sinasaktan at pinapaiyak ng sobra. Umiling ako. s**t! Ano ba itong iniisip ko? Hindi ko talaga mapigilang magkimk

