VENICE MARTINEZ's Point Of View "HELLO, May? Nasaan ka na?" Bungad sa akin ni Nicole pagkasagot ko ng tawag niya. "Papunta na." Sabi ko bago humalik sa pisngi ni Papa at lumabas na ng bahay. "Sige bilisan mo. Nandito na si Ma'am Pelayo. Mag-e-start na ang exam." "Okay okay sige." Nagpaalam ako sa kaniya bago pinatay ang tawag at linagay sa bulsa ng aking pants ang cellphone ko. Isang linggo na rin ang nakakalipas mula ng lumipat kami sa bagong bahay na pinagawa ni Papa. Malaki iyon at komportable naman. "Nak, ang baon mo!" Sigaw ni Papa habang naghihintay ako ng taxi sa labas ng gate. Napalingon ako sa gawi niya bago ako lumapit sa kaniya. Napatapik ako sa aking noo. "Nakalimutan ko." Sabi ko pa at inabot ang lunch box ko na inihanda niya. Ang bait talaga n

