MONDAY. Start na ng second semester. Sabay sabay kaming limang naglakad papunta sa bulletin board para malaman kung anong section kami. Dumiretso kami sa pinakadulo ng bulletin kung saan makikita ang list ng class E. "Oi, nandito pa rin ako." Ani Nicole. "Ako rin," simpleng sabi ni Jess. "Me too." Sabi ni Francis. "Hindi ko na titingnan alam kong nandiyan pa rin ang pangalan ko." Ani Jibbson. Napatango ako sa kaniya nang makita ko ang pangalan niya sa list. "Andito ka nga." Sabi ko. Nagkibit-balikat siya. Ako naman hinanap ko ang pangalan ko sa list. Pero nakakailang tatlong ulit na ako hindi ko pa din makita ang name ko. "Guys, wala ang name ko sa list." Kinakabahan kong sambit. "Huh?!" Hindi nila makapaniwalang sabi at sila na mismo ang naghanap. "Ohmygosh! Wala ka nga sa lis

